[ Mantha's POV ]
• Selis House •
Maaga akong nagising ngayon at naka ready na lahat ng gamit ko kaso ang aga pa. Alas 5:20 pa lang kasi ng umaga eh. Pero tingin mas okay na din ito kaya nagpaalam nako.
Pa alis na po ako.
Sige anak mag ingat ka dyan ah. Sagot ni Papa habang nagkakape sa sala. Lumabas nako ng bahay.
Habang naglalakad papuntang school ay naalala ko nanaman yung nangyari kahapon samin ni Shu.
Siguro masyado niya talagang pinagsisisihan yun.....
---------------------------------------------------------------------------------------------
• Macario High School •
Ilang sandali lang ay nakarating na din ako ng school medyo madilim pa dahil 5:35 am pa lang pagkatingin ko sa relo ko.
Nakita kong bukas na yung gate ng building namin kaya pumasok nako.
Iilan pa lang pala ang andito. Puna ko sa paligid.
Umakyat nako at pagliko na pagliko ko pa lang ay nakita ko agad si Shu na nasa tapat ng room habang nakatingin sa langit.
Hindi pa rin pala siya nagbabago......
Gawain niya na kasi lagi ang tumambay sa labas ng classroom kapag maaga pa. Noong second year kami ay madalas niyang gawin iyon.
Naglakad nako ng bigla siyang tumingin sakin at nag greet.
Morning. Maikling bati niya.
Good morning din. Bati ko din at pumasok nako sa room.
Tinignan ko kung may iba pa kaming kasama kaso mukhang dalawa pa lang kami dito kaya lumabas ako.
Nakita ko nanaman siya na nakatingin ulit sa langit. Pagkakataon na siguro ito para makapag sorry ako.
Kaya nilapitan ko agad siya at tinanong.
Ano namang ginagawa mo dyan? Malamig kaya dito. Pasimpleng tanong ko.
Sight-seeing diba obvious?. Sagot niya ng hindi nakatingin.
Lakas mo talagang mang asar noh.
Hindi ako nang aasar nagsasabi lang ng totoo.
Biglang natahimik ulit kami, tingin ko ngayon ang pagkakataon na iyon. Kaya pumwesto ako malapit sa kaniya at tumingin din sa langit.
Huminga muna ako ng malalim at hindi ko alam pero napayuko ako habang magkahawak ang dalawang kamay ko. Sorry talaga kahapon ah kung nasungitan kita at nagpahiwatig pako sayo.
Walang problema sakin iyon ano ka ba. Tugon niya. Huwag ka yumuko dyan atsaka hindi bagay sayo ang nakasimangot. Napatingin ako sa kaniya at nakangiti ito sakin.
BINABASA MO ANG
Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]
Science FictionRank#7 ( 01/13/17 ) Rank#5 ( 01-19-17 ) In Sci-Fi Noong 2010 may tatlumpong tao ang kinilala bilang 30 Acer dahil sa galing nila sa paglalaro. At sa tatlumpo na iyon ay may isang batang nagngangalang Shuriken ang nakapasok dahil sa pambihira niton...