Wag na lang pala...

13 1 1
                                    

Kukulitin kita hanggang sa makalapit
Hihigpitan ko pa ang aking kapit

Kakausapin ka pa nang paulit-ulit
Hinding-hindi kita ipagpapalit

Dito lang ako maghihintay
Naghihintay bigyan mo nang kulay

Dito sa mundo kong patay
Tuwing sayo'y nawawalay

Kaso... naisip kong wag na lang pala
Wag na lang pala

Naisip kong ako'y abala
Di ka rin naman pala nag-aalala

Di mo pa rin ako pansin

Kahit pasimpleng tingin,
Bakit hindi mo maibaling?

Hanggang kailan ka ba mapipilit,
Para ako ay pansinin?

Ngunit habang tumatagal,
Lalo kang lumalayo.

Ano ba ang dapat na gawin?
Hindi ka na ba talaga mapapasakin?

Di ko na ba talaga maaangkin,
Ang masasarap mong pagtingin?

Oo na, alam ko nang hindi mapipilit
Baka ikaw ay mamilipit

At mas lalo pa akong layuan
Kaya wag na lang

Binabawi ko na
Mabuti na ako ang masaktan

Naisip ko wag na lang pala
Ako'y mababalewala lang naman

Masasayang lang naman lahat ng nagawa
Kaya wag na lang talaga.

The Art of My ImaginationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon