Bigo

10 0 0
                                    

Pinag-aralan;
Pinaghirapan;
Pinagtuunan ng pansin;
Pinaggugulan ng mahabang panahon;
Pinagisipang mabuti;
Pero nananatili pa rin akong bigo.

Paulit ulit;
Pabago bago.
Hanggang kailan ba magiging tama?
Kung kailan ba na wala na ang lahat?
Inaasam na tagumpay,
Talaga bang mapapasakamay?

Pinag aralan ko bang mabigo?
Pinaghirapan ko bang mabigo?
Paulit ulit na lang ba akong mabibigo?
Pabago bago ba akong mabibigo?
Sisirain ako ng paulit ulit
Masasakal ako sa higpit.

Walang magiging maganda,
Hindi na magiging tama.

Palaging magiging bigo
Sapagkat di para sa akin ang mundong ito.

The Art of My ImaginationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon