First Enemy / My Partner

83 3 1
                                    

----------------------------------------------------------------

Oh Yeah! Update lang kahit may long test kami ngayon...Wooohooo!

Tiwala lang at papasa ako... -.-

Pero eto na po yung Chapter 5...

Sana magustuhan nyo!!! *o*

----------------------------------------------------------------

Chapter 5 : First Enemy / My Partner

Iza's POV

Ako si Iza...Isang babaeng mahilig magdrawing...Never pa akong nagkaroon ng kaaway hanggang dumating SYA...

Ang taong sabihin na lang natin na...Makita ko pa lang ang mukha...Inis na ako...

Yung pakiramdam na sobrang ganda ng gising mo ngayon at parang walang makakaalis ng saya mo ngayong araw pero nung nakita mo yung mukha nya, biglang parang sobrang sama ng panahon...Yung parang nagsisi ka pa dahil pumasok ka pa ngayon...

Ewan ko ba...Inis talaga ako dun sa taong yun...Maski may ginawa sya para mairita ako o wala syang ginawa, naiinis ako...Yung kahit na nakita mo lang sya nakatayo lang sa isang tabi ay parang gusto mo na syang patayin...

Hindi ko alam pero talagang ang init ng ulo ko sa kanya...Sadya lang talaga na naiirita ako sa kanya...Tapos nagkataon pa na naging kaklase ko sya...At sa lahat pa ng pwede nya maging pwesto, sa likod ko pa...

Kaya tuloy, lunch time pa lang namin ay parang pagod na pagod ako...Parang pakiramdam ko, simula noong dumating yung teacher namin nung dumating ako, hanggang pagdating ng lunch break ay nakatingin lang sya sa akin...

Parang kahit wala kaming masyadong ginawa ngayon...Puro lectures lang ang ginawa ng mga teachers namin...Ay parang pagod na pagod ako...

Pero para hindi na ako makunsumi, umalis na lang ako sa room kasama si Tiffany at bumili na ng pagkaen...

Pero...

Canteen

Nakapila na ako at tinatingnan ko kung ano ang pwede kong kainin...Pero dahil hindi pa naman ako ganun ka gutom, hindi muna ako magkakanin...

Ano kaya ang pwede kong bilhin? Gusto ko yung mabubusog ako kahit walang kanin...Hmmm

Tapos nakita ko yung paborito kong pagkaen...Yung kinakain ko pag gutom ako...Walang kanin pero, kahit yun lang busog na ako...Ang paborito kong...SKY FLAKES!!!Pero...kunti na lang ang natitira...Atleast meron...

Ayan na...Malapit na ako...Makukuha ko na rin yung SkyFlakes...Hindi naman ako mauubusan nyan kaya ayos lang kahit hindi ako magmadali...

Tapos, biglang may humarang na matabang babae...Tss, pero ayos lang...Isa lang naman eh...Pagbigyan na natin...Pero...

"Hoy Girls! Sumingit na kayo dito...Bilis!"

"Thank You talaga ha!"sabi ng mga...ANIM NA MATATABANG BABAE

"Wait! Kami rin!"sabi pa ng tatlong matatabang babae...

Pero ayos lang...Hindi naman nila inorder yung gusto kong Sky Flakes...Malapit na kasing maubos eh...Dalawa na lang ang natitira...Hindi naman ako mabubusog kung Isa lang eh...Kaya dapat dalawa...

Tapos nung malapit na ako...Sasabihin ko na sana yung bibilhin ko...Pero may sumingit ulit...

At sa lahat pa ng pwede kong makita ay yung lalakeng yun pa...At siguro naman, kilala nyo sya...Yung taong makita ko palang inis na ako...

"Ate, isang Sky Flakes at isang C2"

At...sa lahat pa ng pwede nyang bilhin ay yung paborito kong Sky Flakes pa...Ahuhuhu...Paano ako mabubusog nyan? Wala na akong gustong bilhin kundi Sky Flakes lang!!!

"Hoy! Akin yan eh..."

"Alin? Itong C2?"

"Hindi! Yung Sky Flakes!"

"Ahh...may isa pa naman dun ah! Yun na lang ang bilhin mo"

"Ayoko ng isa lang! Gusto ko dalawa!"sinabi ko yan na parang bata...with matching na pagtatalon pa yan

"Wala na akong magagawa dun...Nauna ako eh..."

"Ako talagaang dapat na nauna...Kung hindi ka lang sana sumingit! Kaya akin na yan!"

"Ayoko nga! Akin na to"

"Hindi! Akin yan!"sabi ko tapos hinabol ko sya

"Haha! Ang bagal mo! Hindi mo ako mahahabol! Hahaha!"sinabi nya yan na nakatingin sa akin habang tumatakbo palayo

Tapos,

*bang!

At ayun nga...Nauntog sya

"Haha! Ayan tuloy...Hindi kasi nakatingin sa daanan eh...Nauntog tuloy..."

"Tumawa ka pa...bakit hindi mo na lang ako tulungan tumayo?"

"Grabeee! Ganun ba kasakit? Hindi ka na makatayo?"

"..."

Tapos nilapitan ko sya...

Pero bago ko sya tulungang tumayo,kinuha ko yung Sky Flakes na hawak hawak nya...

"Akin na to"

"Ang daya!"

"Bakit? Ayaw mo ba kitang tulungan? Sabihin mo lang kung ayaw mo...hindi na lang kita papansinin dyan"

"Tss! O sige na nga!"

Tapos tinayo ko na sya

"Pano yan? Mukhang nabili na yung isa pang Sky Flakes"

"Wala na akong magagawa...Nawalan na ako ng ganang kumain"

"Ok...ibalik mo na yung Sky Flakes kung ganun"

"Bakit ko ibabalik?"

"Edi...share na lang tayo"

".....O sige na nga"

Tapos nag share nga kami

Pagkatapos nun, naghiwalay na kami ng landas

The Next Subject,

"So uhmm...class...gusto kong mag partner kayo"

"Ok...Tiffany, tayo na ang mag partner"

"Ok"

"Pero...ako ang pipili ng magpapartner...Ang magiging kapartner nyo ngayon ay ang magiging partner nyo sa lahat ng gagawin nating mga activities simula ngayon"

At sinabi na nga nya ang mga magiging magkapartner...Ginawa nyang boy and girl ang magkapartner...Total pareho lang naman ang bilang ng babae at lalake sa amin kaya ayos lang...

Pero...

Sa lahat ng pwede ko pang maging kapartner ay sya pa...Yung lalakeng hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan...Yung lalakeng kinaiinisan ko...Yung lalakeng pinakauna kong nakaaway...

----------------------------------------------------------------

At dito ko po tinatapos ang Chapter 5...Sana po nagustuhan nyo...Kung hindi man, ayos lang...

----------------------------------------------------------------

Pencil (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon