Poem #6

24 1 0
                                    


"Ipakita mo na mas maganda ka sa kanila",
Mga katagang iyong sinambit noon,
Magpahanggang ngayo'y naaalala pa rin.
Anong mahika ang tinataglay?

Alam ba na puso'y hirap makalimot?
Ngunit aking napagtanto,
Tapos na ang mga araw na puno ng hinagpis,
Puso'y tuluyan ng nilimot ang nakaraan.

Nais maiparating ang taos-pusong pasasalamat.
Sapagkat ika'y naging parte ng aking buhay,
Kaibigan kang tunay, sandalan sa lahat ng sakunang pinagdaanan.
Palaging natatakbuhan sa tuwing nalulumbay.

Sa huling pagkakataon,
Nais nang sambitin ang katagang "Paalam",
Pag-ibig na inilaan ay tuluyan ng namatay,
Ngunit nais mag-iwan ng isang habilin,
Sarili mo'y palaging pakaingatan.

Poem CompilationWhere stories live. Discover now