Poem #9

14 0 0
                                    

For X fam... Sa totoo lang namimiss ko na sila. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit naging ganito. Paano na 'yong ipapatayo naming home for the aged? Paano na 'yong travel namin abroad? I miss you X fam. Namimiss ko na 'yong dating samahan natin.



Sa mga nakalipas na mga araw at buwan,
Hindi alam kung paanong sa isang iglap bigla na lamang nagbago ang ikot ng mundong ginagalawan.
Ang dating tayo, naging ikaw at ako na lamang ngayon
Noo'y madalas magkakasama ngunit ngayo'y halos di na magkita.

Anong nangyari sa pamilyang ating binuo?
Hinayaan na lamang natin sirain ng pagsubok ang matatag na 'tayo'
Bakit tayo nagkaganito?
Sagutin niyo naman ako aking mga kaibigan,
Akala ko ba'y walang makatitibag sa atin?

Maibabalik pa ba ang samahang ating pinakaingatan?
O tuluyan ng hahakbang mag-isa patungo sa kinabukasan?
Hindi mawari kung gaano katindi ang lumbay na nadarama,
Tanong sa isipan, sa dati ba'y babalik pa?

Poem CompilationWhere stories live. Discover now