Poem #8

14 0 0
                                    

Kanina, habang magkasama kami ng best friend ko napaisip ako. Matapos kasi lahat ng nagawa kong pagkakamali sa kanya, imbis na magalit siya sa akin o di kaya maging okay man kami e awkward na, ang nangyari pa ay mas naging close kami. Kaya sa lahat ng nagsasabing walang taong katulad ni Hye Jin sa totoong buhay, puwes kilalanin niyo best friend ko. Haha. Pero quiet lang kayo. Lalaki ulo ng baklang 'yon. Ssshh.



Maraming nagtataka kung paanong tayo'y nanatili bilang matalik na magkaibigan.
Sa kabila ng lahat ng unos na pinagdaanan,
Bakit daw hinayaan na ako'y manatili bilang iyong kaibigan
Kahit pa maraming pagkakamaling nagawa't 'di mabilang na kasalanan?

Sa totoo lamang, ako ri'y lubusang nagtataka
Ngunit ako'y nagpapasalamat sa Kanya,
'Pagkat ika'y sa akin Kanyang ipinakilala.
Hindi man swerte sa pag-ibig, maswerte naman ako 'pagkat ika'y kasama.

Salamat sa lahat aking mahal kaibigan.
Salamat sa mga payo't pagmamahal na siyang patuloy na ibinibigay.
Minahal pa rin akong tunay,
Kahit ugali'y malayo sa pagiging perpekto.

Poem CompilationWhere stories live. Discover now