Poem #7

19 1 0
                                    


Sa hinagap hindi naisip na ika'y maagang lilisan
Parating iniisip bakit kay aga naman yata na kami'y iwanan
Ngunit sabi ng marami'y mayroong dahilan ang maaga mong paglisan,
Kaya't nais kong malaman ang nakatagong kasagutan.

Sarili kasi'y 'di naihanda sa maaaring kahantungan
'Pagkat paniniwala'y uuwi tayong magkasama't ika'y aming aalagaan
Puno man ng panghihinayang at lungkot ang kalooban,
Pangako kami'y magpapakatatag alang-alang sa mga mahal sa buhay at sa alaalang iniwan.

Baunin sana mga salitang sa iyo'y nasambit noon,
Lubos ka naming minamahal at tandaang ika'y mahal din ng Panginoon,
Dasal at pagsusumamo sana'y Kanyang dinggin
Na pangalan mo'y Kanyang isulat sa Aklat ng Buhay upang makasama sa Kanyang kaharian.


---

It's been four (4) months pa. I miss you so much. I still do.

Poem CompilationWhere stories live. Discover now