8

8 1 0
                                    

Zeeanna

Nahiga muna ako, pag tingin ko sa oras 9 palang naman aga pa kaya binuksan ko muna yung laptop. Scroll down scroll down lang😂 nang biglang nag chat si Van

V: bhe

Z: ohyea?

V: nak ng tokwa may tent naba tayo? Kami ni Just mag partner !

Z: ay HAHA hindi ko pa natatanong kay Vance yan pero sige kami na bahala dun, sa mga sleeping bag nalang kayo.

V: okay okay pero tanginaaa! Yung mga pics namin ayt! Dko keri tas yung caption pucha

Z: kalma bhe HAHAH uso kasing magtapat para mas lalo kang kiligin ?

V: hindi pa ito ang tamang oras siguro bhe.

Z: kelan naman yung time na yun? Kapag nambabae na boypren ko? HAHAH

V: Gaga , ewan ko? Pag nag pakita ng motibo siguro?

Z: hala jusko torpe si Just gaga! Tas ikaw pakipot? Tangina bhe mtb kayo

V: haay sana... Charot hahaha

Tumagal usapan namin about sa kung ano ano, sa hanggang nag paalam na siya. Pag tapos non chineck ko phone ko ayun pucha ang dami ng missed call ni Vance tangina lagot ako , tinext ko nalang kasi hindi ako nakapag paload kanina

"Babe? Bat ka tumawag? Sorry nakasilent phone ko malayo sakin."
*sent*
Hinintay ko yung reply seryoso nag woworry na nga ako nun eh. Eh biglang kumatok si kuya Zac. Binuksan ko
"Oh akala ko matutulog kana bunso? May pasok kapa bukas." Sabi niya sakin. Eh ayoko pang sabihin naman na naghihintay lang ako ng reply ng boyfriend ko diba?
"Ay sorry kuya, may tinapos lang akong essay ko sa english kasi malapit na yung deadline." Ay tangina dun ko lang naalala na malapit na nga yung deadline nun , title palang nasisimulan ko shet.
"Ah ganon ba? Sige tama na yan tuloy mo na lang bukas masyado nang late." Malamang ilang oras na ako nag hihintay ng reply.
"Opo kuya, kayo ren po tulog na kayo" sabi ko ng painosente galing mag acting shet pero sa loob looban ko tangina mababaliw na ako kakahintay ng reply ni Vance.
Tumango nalang si kuya at hinalikan ulo ko, sige sila na matatangkad! Pag ka sara ko ng pinto chineck ko ulit phone ko for like the 500th time. Joke o.a naman non pero totoo nga nakailang tingin na ako. Nag give up den ako kakahintay kasi inantok na ako. Tinulog ko nalang, baka bukas ko mag reply na.




Vance

Kakagaling lang namin ng practice nina Ed at yung ibang kateam namin. Naisipan naming kumain muna, eh gabi na nun inisip kong check upan si Zee.

Maglalakad na kami papuntang tawiran hindi parin siya sumasagot, so nag decide akong itext nalang siya.

Nang habang nasa phone yung attention ko nag simula nang tumawid na silang tumawid eh ako nasa cellphone parin ang mata hindi ako nakasabay , so bigla nalang ako lumakad ng hindi tumitingin.

Biglang may bumisina ng malakas tas nag black out na ako.

Vanessa

Ganda na ng tulog ko eh nang biglang mag ring cellphone ko. Nung una ayoko pang sagutin tas nawala , tas umulit .

Tinignan ko kung sino ng lumabas yung pangalan ni Justin shet. Edi walang pigil slide agad!

V:oh bakit?

J: van help hindi namin alam gagawin namin

V: ha bakit anong nangyare?

J: nasa ospital kami ngayon. Si vance kasi

V: ha? Bakit anong nagyari sakanya?! Andyan na si Zee?!

J: natamaan ng kotse. At syempre hindi pa namin nasasabi! Biglaan ang lahat si Edward tumawag sakin kaya napamadali na ako dito.

V: anong plano niyo kay Zee? Boyfriend niya yan kailangan andyan na siya agad!

J: pwede kaba pumunta ngayon? Alam kong iniwan ka sa bahay ng parents mo, napaalam kita kaya bihis na dali.

*call ended*

Hindi na ako nag dalawang isip naqg pantalon na ako tas lumabas ng bahay buti nalang yung area namin malapit na sa mga ospital chuchu.

Pag pasok ko sa mga pinto ayon sila. Mga kateam ni Vance at si Justin. Napatingin ako sa oras, mga 10 na nun.

"Bat kasi natamaan ng sasakyan?" Tanong ko

"Nagtetext kasi siya kay Zee non. Eh hindi niya nakita ." sagot ni Ed .
Napansin ko si Just ang lalim ng iniisip, tumabi ako sakanya.

"Hindi mo alam kung papano sasabihin kay Zee no?" Halata naman eh, ayaw niya lang masaktan si Zee, tumango siya . "Natawagan niyo na ba parents ni Vance? "

"Oo nasabe ko na kay tita. Hintayin ko nalang daw sila." Tumango ako, pinauwi ko na rin yung mga kateamate nila Ed. Kasi matagal tagal na rin sila don. Kaawa naman galing training eh, so nag hintay kami , nakarating narin yung magulang ni Vance non, naisip nilang sila nalang magsabe kay Zee para walang masisi. Sa tinagal lumabas narin yung doktor.

"Cortez?" Tanong nung doktor
Agad namang lumapit yung mga magulang tinawag narin kami nila Just.

"Nagawa na namin lahat ng tests at wala kaming nahanap na signs ng total amnesia. Pero sa tingin ko may mga bagay siyang hindi maaalala pero siguro nothing important. Hindi pa siya nagigising baka mamaya pa , pero trust me he'll be fine." Inexplain niya.

Nakahinga naman kami ng maluwag pag kasabi niya non, tinanong nung tito kung saan yung room tinuro naman samin at nag thank you kami. Agad naman namin pinuntahan yung tinurong kwarto samin pag bukas ng pinto nakita namin si Vance na naka higa at may bandage sa ulo.

Lumapit naman agad yung mother niya . wala naman nag bago sa mukha niya may mga sugat sugat lang ng onte ganon.

After nun tumagal tagal din kami dun. Mga madaling araw umuwi si Ed kami naman ni Just nanatili doon. Mag katabi kami dun sa parang sofa na maliit na malapit sa bintana. Inantok rin ako nun ang naalala ko lang ay yung napasandal ako sa balikat ni Justin.








Justin

Nakatingin lang ako sa hospital bed kung saan naka tulog si tita. Si tito naman naka tulog rin sa upuan na linapit niya sa kama. Mga 2 am na non. Eh biglang napasandal si Van sa balikat ko. Ayon nakatulog , napa ngiti lang ako at inayos siya. Hiniga ko siya ng tuluyan sa sofa, linagyan ko narin ng unan sa ulo niya para hindi siya magka stiff neck.

Habang ako nakaupo sa lapag, pinag masdan ko nalang siya habang tulog.

"Haay Vanessa, kelan ko ba maaamin sayo? Sana nalang hindi ka mapunta sa iba." Sabay hinalikan ko kamay niya at humiga na lang ako sa lapag kasi inantok na din ako.














Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Torpe LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon