T H R E E

2 0 0
                                    

Something


Dumaan ang ilang araw at kami lang ni Kim ang naiiwan sa bahay. Yung magkapatid kasi ay nagpupunta sa kumpanya.

"Tapos hintayin lang natin hanggang tumunog yung oven." Saad ni Kim.

Nandito kami sa kitchen. Tinuturuan niya akong gumawa ng baked mac. I heared na paborito ito ni Felix. I wonder what does Filip loves to eat? Maybe I should ask him.

Tumayo siya sa harap ko at inayos ang iba pang cheese. Nakaupo lang ako sa stool habang pinapanuod siya. She's pretty. And nice. Pero may pakiramdam ako sakaniya. Parang minsan naiinis ako sa presensya niya o ano. Parang may sama akong loob dito na hindi ko maintindihan. Pero binabaliwala ko nalang iyon.

"Ang bango naman po niyan, ma'am." Saad ni Manang pagpasok ng kitchen.

Nginitian ko siya at tinignan ko si Kim. Ni hindi man lang siya tumingin kay Manang at parang walang narinig.

"Uh, manang. Paki timpla naman kaming juice." Saad ko.

"Sige ho, Ma'am." Saad nito at pumasok sa dirty kitchen.

"Maybe we should ask them to have a vacation. Out of town will do?" Saad ko.

Tumingin siya sakin."Felix hates fun." Malungkot na saad niya.

"Pilitin mo. I'm sure he can't resist you." I suggested.

"Uhm, I'll see." Saad niya.

Tumango ako at nagpatuloy lamang siya sa ginagawa. Matapos ng ilang minuto ay tumunog na ang oven hudyat na luto na ang baked mac.

Amoy palang ay nakakagutom na. Napag desisyunan naming sa may poolside nalang mag meryenda.

Naghain sina Manang doon at nagsimula na kaming kumain ni Kim. Masarap ito. Nakaka engganyo!

Nakita ko ang pagdating ng sasakyan. Himala, ang aga nila dumating?

Maya maya ay narinig ko ang boses ng magkapatid. Lumingon ako sa loob ng bahay at nakita kong palabas sila dito. Nakangiting mukha ni Filip ang bumungad saakin at niyakap ako mula sa likuran.

"Hmm... Smells good." Mahinang saad nito na nagpainit saaking pisngi.

"Babe." Natatawang saway ko sakaniya. Lumayo ito saakin at sinilip ang kinakain namin.

Umupo siya sa tabing upuan at nakita kong nakaupo na si Felix sa tabi ni Kim at nakatulala.

"You guys must be hungry." Saad ni Kim kaya napaangat ng tingin si Felix at nagtama ang tingin namin.

"Yeah. You made this?" Tanong ni Filip habang nilalagay ang kamay saaking bewang at pinatong ang baba nya saaking balikat.

"Yep! Love, favorite mo to diba? Wait I'll get you some plate." Saad ni Kim kaya't tumayo ito. Walang emosyon sa mukha ni Felix. Tanging pag igting lang ng panga ang napapansin ko sakaniya.

Is he mad or what?

Kinuha ko ang plato ko at sinubuan si Filip. Tinignan ko ang mukha niya. He's so damn handsome!

"How was it?" Tanong ko.

"It's good." Saad niya.

"Good lang? Ang sarap kaya." Saad ko.

"Well, it will be delicious of you're the one who made it." Malambing na saad nito at siniksik ang mukha sa aking leeg.

Natawa naman ako sa simpleng sweet gestures niya. He can't get enough of me huh.

"Bakit ang aga niyo yata ngayon?" Tanong ko habang nakatingin kay Felix.

Tinignan ako nito at parang may sinasabi sa mga mata niya. Kinilabutan ako kaya agad akong napaayos ng upo dahila kung bat napaalis si Filip.

"What's wrong, baby?" Tanong nito.

"Wa-wala." Saad ko.

Damn that was weird.

Bumalik si Kim kasama si manang na dala ang plato at dalawang baso. Umayos ng upo si Filip sa tabi ko. Pinatong niya ang kamaya niya saaking hita.

"So, I heard you have your own island?" Saad ko kay Felix.

Tipid itong tumango at nagsalin ng juice sa kaniyang baso.

"Maybe we can go to a vacation there, diba babe?" Saad ko kay Filip.

Nagtaka ako dahil parang napatigil silang tatlo. What's wrong? I just wanted a peaceful vacation.

"No." Saad ni Felix.

"But why?" Tanong ko.

"It's uh, not safe, baby to uh travel." Saad ni Filip.

Nakita ko ang pagpapalitan ng tingin ni Felix at Kim.

"You guys are hiding something from me or something?" Saad ko.

Tinignan nila ako at walang ni isang nagsalita.

"There's something..." Saad ko.

May something na ayaw nilang sabihin sakin. And I'm getting curious about it.

"Baby, it's a long drive." Saad ni Filip.

"So?" Saad ko.

"You got a car crash right? I don't want to risk on losing you again." Seryosong saad nito.

"Sweet." Saad ni Kim upang maalis ang awkwardness sa pagitan naming apat.

Oh, no. I know there is something behind those exchanging of stares.

When I was your girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon