Prologue

80.4K 851 113
                                    

Prologue

“BYE babe.”

Natigilan ako sa pagbubukas ng pinto ng kotse at napalingon kay Robi. Pinandilatan ko siya pero nakuha pa niyang ngumiti sa akin. Tuwang-tuwa pa ang mokong na nainis niya ako ngayong araw.

“Wag mo kong matawag-tawag na babe, Robi.”

Siya naman ang hindi masaya ngayon.

“Bakit Robi lang?” tanong niya sa akin habang nakasimangot.

“Gusto ko eh,” sagot ko ng pabalang sa kanya.

Lalo siyang sumimangot at humalukipkip na. “Kapatid mo ko. Kuya Robi dapat ang tawag mo sa akin.”

Nirolyo ko ang aking mga mata. Kasalanan naman niya kung bakit pangalan na lang niya at wala ng kuya ang tawag ko sa kanya. Kada kasi lumalabas siya kasama ang kanyang mga kabarkada, dinadala niya ako bilang girlfriend niya. Chicks kasi itong kuya ko kaya habulin ng mga babae. Kesa naman daw ibang babae at baka umasa pa sa kanya ang gamitin niya bilang girlfriend para itaboy ang mga kababaihan, ako na lang daw.

More convenient, less hassle.

Kaya ayan, nasanay na kami na babe ang tawag niya sa akin at Robi ang tawag ko sa kanya. Pero parehas naming ayaw ang tawag namin sa isa’t isa. Wala eh. Magulo kaming magkapatid.

“Hoy! Nakikinig ka ba sa akin?” aniya.

“Hindi,” saad ko. Binuksan ko na ng tuluyan ang pinto ng kotse niya at lumabas na bago pa siya magreklamo.

Baka malate ako sa unang araw ko bilang college student at siya naman malate sa unang araw niya bilang CEO ng kumpanya namin. Sinasanay na kasi siya ni Papa sa mga negosyo namin.

Kinuha ko ang bag ko at ang sketchbook ko sa compartment ng kotse at kumaripas papunta sa main building ng university namin. Kumuha na ko ng mga kailangan kong libro sa locker at naglakad na papunta sa una kong klase.

Dahil lumilipad ang utak ko kung saan, di ko napansin na may mababangga na pala ako.

“F*ck!!” sabi ng nabunggo ko. “I’m sorry.”

Wow! Mura muna bago humingi ng sorry. Napasimangot tuloy ako. Lumuhod ako at kinuha ko ang mga gamit ko na nahulog. Tinulungan naman niya ako sa pagkuha.

Tumayo na ako at inabot niya sa akin ang mga gamit ko. Doon na ako tumingin sa kanya. Napatigil ako ng makita ko ang mukha niya.

Itim at nakaitaas ang harapan ng kanyang buhok, matangos ang ilong, matangkad at may cleft chin. Buti na lang hindi pa ko nahimatay sa kagwapuhan ng isang ito.

Will You Change for Me? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon