Chapter Nine

22.8K 414 26
                                    

Chapter Nine

“ANONG iniisip mo?” tanong ni Daniel sa akin. Nandito kaming dalawa sa paborito naming tambayan sa school: sa ilalim ng puno ng Acacia.

Siguro naninibago lang si Daniel sa akin ngayon dahil imbes na gumuguhit ako ay nakatingin lang ako sa mga ulap at ini-enjoy ang samyo ng hangin. Hindi rin kasi ako maka-concentrate ngayon sa pag-drawing dahil iniisip ko yung problema ni Robi at siyempre malapit ng matapos ang pangalawang linggo namin na magkasama.

Sa huling linggo naman, sasamahan niya ako sa immersion.

Hindi ko pa rin alam ang isasagot sa kanya. Masaya naman siya kasama at nararamdaman ko ang sinseridad niya. Pero parang may kung ano ang pumipigil sa akin na sagutin siya. Kinakabahan ako. Para kasing it’s too good to be true ang mga pangyayari.

Is Daniel for real?

“Hey...” tawag niya muli sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinaharap ang ulo ko sa kanya. “What’s wrong? Kinakabahan ako sa pananahimik mo.”

Ngumiti ako sa kanya. “I’m okay. Iniisip ko lang ang immersion next week.”

Liar, tudyo ko sa sarili ko. Nagsisinungaling ako sa kanya. Ayan siya nag-aalala para sa akin, habang ako iniisip ko kung ano ang hatol para sa kanya next week.

Hindi pa rin kasi ako mapalagay eh. Parang may mali, pero baka dahil lang sa takot ko ito. Takot akong masaktan. Takot akong mabaliwala. Oo, takot akong magmahal dahil kalakip ng saya, masasaktan ka rin.

Pero, hanggang kailan ako matatakot? Hanggang sa mawala na siya sa akin?

Ayoko naman ng ganun. Nasanay na ko sa presence ni Daniel na parang mas masakit na mawala siya, kesa ang saktan niya ako.

Napapikit ako. “Daniel...”

“Yes?” Hinawakan niya ang kamay ko.

“Malapit ng matapos ang deal natin,” paalala ko sa kanya.

Nilaro-laro niya ang kamay ko. “I know. I’m doing my best for you to choose me and not to leave me. You know I like you. I like you so much that it makes me happy and hurt at the same time.”

Dumilat ako at tumingin ulit sa kanya. I saw pain in his eyes.

“Hindi naman kasi ako sanay na pangalawa lang eh. Sanay ako na ako ang priority. Sa gwapo ko ba namang ito –”

Hinampas ko siya sa dibdib. Ngumisi lang siya.

“Hey! Umamin ka na kasi. Gwapo ako and you can’t resist me,” sabi niya.

Will You Change for Me? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon