Chapter Two

28.6K 480 33
                                    

Chapter Two

 

 

HINDI ako maka-concentrate sa klase. Bukod sa napaka-boring ng tinuturo ng professor namin sa History, kulang rin ako sa tulog. Inumaga ba naman kami ng uwi ng kuya ko galing sa mga barkada niya. Masyado ata siyang namiss at ayaw siya pauwiin ng maaga. Nadamay pa ko sa kalokohan nila.

Nararamdaman ko ang papikit-pikit ko at ang ilang pagyuko ng ulo ko. Buti na lang di natutuluyan ang pagbagsak ng ulo ko sa desk dahil tiyak na mapapahiya ako sa klase at sesermunan ako ng professor ko.

Gusto ko ng matulog, seryoso!! Kaunting sundot na lang bibigay na ang katawan ko at makakatulog na ako.

Ilang minuto pa ang lumipas at parang dumidilim na ang paligid ko. Inilagay ko ang ulo ko sa braso ko at ngumiti. Gabi na ba? Ang dilim na ng paligid eh. Pwede na sigurong matulog...

“BERNARDO!!”

Napatalon ako mula sa kinauupuan ko at biglang tumayo. Tumingin ako sa kaliwa’t kanan ko. May sunog ba?!

“You’re sleeping in my class!!” sigaw ng professor ko.

Ooopppsss. Akala ko gabi na, ako lang pala itong tanga na pinikit ang mga mata ko para matulog. At nahuli pa ko sa akto.

“I-I’m sorry,” paghingi ko ng paumanhin. “H-Hindi ko po namalayan na –”

“I don’t like to hear your excuses. I’ll think of your punishment after class,” saad naman niya.

Bumuntong-hininga ako at umupo na ulit sa upuan ko. Sadyang napakamalas talaga ng araw ko ngayon.

NAKIKINIG ako sa student librarian habang pinapaliwanag niya ang mga dapat kong gawin. Ito ang punishment ko sa pagtulog sa klase. Ang magligpit at mag-ayos ng sangkatutak na libro sa library sa loob ng isang linggo. May bago kasing dating na mga libro at dapat iayos ito ng maigi sa mga shelves.

“...dito yung mga makakapal na libro. Pagsunod-sunurin mo lang...”

Tango lang ang isinagot ko sa mga sinasabi ng student librarian namin.

“At bago pala ang lahat ako si Jane,” sabi niya. “Kath, right?”

Tumango nanaman ako.

“Sige, magsimula ka na. Doon lang muna ako. Baka may manghiram ng libro eh,” wika niya.

“Sige...” tugon ko.

Nagsimula na ako magligpit ng mga libro. Yung iba dito eh sobrang luma na at hindi masyado mabasa ang mga title. Inumpisahan ko ng i-organize ang mga libro ayon sa kapal at sa title nito. Maingat ako sa paghawak sa kanila dahil baka makasira at madagdagan nanaman kasalanan ko.

Will You Change for Me? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon