Chapter Twelve

19.5K 360 37
                                    

Chapter Twelve

Five years later...

“Anong ginagawa mo dito?” marahas na tanong ko kay Daniel.

Kahit puro pasa ang kanyang mukha, ngumiti siya. “Gusto kitang makita.”

Nakaupo kami ngayon sa isang bench sa labas ng ospital. Dito nagpapahangin at gumagala ang mga pasyenteng naiinip na sa kwarto nila. Dito ko naisipang dalhin si Daniel dahil bigla na lang itong sumulpot sa ospital. Ayokong makita siya ni Robi o ng mga magulang namin.

“Ang kapal ng mukha mong pumunta pa dito pagkatapos mong bugbugin si Robi,” anas ko sa kanya.

“Buhay pa naman siya, di ba?” sabi niya. “Tsaka bakit ba natin siya pinag-uusapan? Ikaw ang ipinuntan ko ditto. By the way, flowers for you...”

Iniabot niya sa akin ang isang bouquet ng bulaklak.

Nagngitngit na ako sa galit. Tumayo ako, kinuha ang bulaklak at inihampas sa mukha niya.

“Ayoko ng makita ka pa. Layuan mo na ako,” wika ko sa kanya at tumalikod na para umalis. Pero hindi niya ako hinayaan at hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.

“Angel please...Patawarin mo na ako. Magsimula tayo ulit. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Ibibigay ko lahat ng gusto mo. Bumalik ka lang sa akin,” pagmamakaawa niya.

Hinarap ko siya at tumawa ng pilit. “Ibibigay mo ang lahat ng gusto ko?”

Tumango siya.

“Sige nga, bigyan mo nga ako ng bahay na hindi galing sa pera ng pamilya mo?” saad ko.

Napanganga siya sa sinabi ko.

“Hindi mo kaya, di ba? Kasi you’re just some spoiled brat na nakukuha mo lahat ng gusto mo, isang sabi mo lang. Lumaki ka sa karangyaan. Gusto ko ng mga lalaking independent, hindi ng dependent. Nakita mo si Robi? Si Robi galing sa sarili niyang sikap ang mga tagumpay niya ngayon. Yung kotse niya, yung mga damit niya, lahat ng binibigay niya sa akin galing sa sarili niyang bulsa, hindi galing sa pamilya niya,” sabi ko.

Hindi pa rin siya nagsasalita.

“You want me to come back to you? First, I want a resort. Gusto ko yung may maraming maids na magsisilbi sa akin. Gusto ko ng lugar kung saan tahimik at maganda para makaguhit ako kung kailan ko gusto. Gusto ko rin ng sariling kabayo. Gusto ko ng yate. Gusto ko iyon lahat. Kaya mo ba ibigay sa akin iyon? Kung kaya mo...tsaka lamang ako babalik sa’yo...”

Will You Change for Me? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon