LAXER
"I can't wait to visit the Philippines once the branch at AJD opens," masayang saad ni Mrs. Wilson. Tinapat ko ang pagpunta rito isang araw bago ang kaarawan ni Jearri. Hindi ko sigurado kung ipagdidiwang ba ito ni Zanya pero sana kahit paano ay magawa niya itong ipagdiwang. I bought her a necklace with our initials engraved on it.
"Thank you for trusting me," nakipag-kamay ako sa mag-asawang Wilson.
Sa araw na ito ay hindi ko pa nakikita si Zanya, siguro ay nasabi sa kanya ng mga magulang niya na pupunta ako kaya naman ay siya na ang gumawa ng paraan upang makaiwas. I will just visit her at her warehouse. I'm sure she's just right there.
"You can stay here for the night." Mrs. Wilson offered. "I'm sorry for taking up so much of your time. I really enjoy talking business with you," dagdag pa nito.
"I'm grateful for that, but I'll be staying in a hotel. Thanks, John, Amanda."
Nagpaalam na ako sa kanila. Hindi pa man ako nakakaalis ay napansin ko na ang kotse ni Zanya sa garahe nila, wala iyon kanina. Hinihintay niya sigurong makaalis ako bago pumasok sa loob. Gusto kong lumapit, subalit mas pinili ko na lamang ang tumalikod, bago pa ako makagawa ng bagay na hindi dapat.
At the hotel, I lay on my bed, staring at her old picture. If only I could turn back time. Sumisikip ang dibdib ko habang bumabagsak ang mga luha. Naalala ko na naman iyong mga binitawan niyang salita kay Shantal, kung gaano kahirap at kasakit ang pinagdaanan niya habang nasa piling ko at maging wala na ako sa tabi niya.
"I'm sorry. I'm really sorry," I whispered, hugging the picture. I cried myself to sleep, consumed with regret for the many times I treated her wrong. I deserved her anger, and I deserved for her to forget me.
"Happy birthday, Jearri." I said when I wake up. "I love you so much. Happy 27th birthday, my love. I wish you remember me, even just for today." I know it's selfish of me to wish for that. Pero marami akong gustong sabihin sa oras na maalala niya ako.
Hindi ko sigurado kung magkakaroon ako ng pagkakataon na makita siya ngayong araw pero nagbakasakali pa rin ako. Tinawagan ko si Mrs. Wilson upang itanong kung saan ang celebration ng birthday ni Zanya.
"Cray, today isn't Zanya's birthday. You must be mistaken," she said.
I felt a pang of disappointment. "Today is September 20. Her birthday is on October 5th, and she will be turning 30 by that then—same age as you."
I was stunned when I heard that. What am I missing? Was I wrong all along in thinking she was Jearri? Was I just blinded by the fact that they look alike? Even Kyron never confirmed it directly—he only gave me hints, but I couldn't rely on that. What if he was just playing with me? What if Jearri really is gone, and I've mistaken everything because they were right, I was guilty—and Zanya was like Jearri's ghost, haunting me here. Damn it, if I've been wrong all this time, then I've done the worst to Jearri, even in afterlife.
Nagtungo ako sa kanyang warehouse at sa labas ay matiyaga akong naghintay dala-dala ang isang bouquet ng white roses at iyong regalo kong kwintas sa kanya. Umaga palang ay nandoon na ako hanggang sa lumubog na ang araw, at magsara siya ng warehouse. Hindi ko magawang lumapit sa kanya. Ang kaya ko lang gawin ay panoorin siya mula sa malayo.
Paano kung hindi talaga siya si Jearri?
Nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay hindi agad ako nakagalaw. Wala akong nakitang reaksyon sa kanyang mukha, kaya mas lalo akong nabahala. Kinunutan niya ako ng noo, nang subukan kong lumapit sa kanya ay umatras siya. Bawat hakbang ko palapit ay siya namang pag-atras niya, kaya tinigil ko na rin agad ang paglapit ko sa kanya—clearly, she didn't want me near her.
BINABASA MO ANG
To Love Him Once More (USFIL Book 2) - REVAMPED
RomansaREVAMPED BOOK 2 OF UNTIL SHE FELL IN LOVE - Cover made through CANVA