Chapter 6

908 18 0
                                    

Zoe's POV

Napahinto ako sa high way ng mapansin dumadami ang mga tao sa gitna nito. Napatingin pa ako sa right side ko kung may kotse malapit sa akin nang wala akong makita lumosut ako patungo sa nag kukumpulang mga tao.

"Kawawa naman ng dalawang binata" dinig kung banggit ng isang matanda. Umalis ako sa pakaka-angkas at helmet. Lumapit ako sa matanda.

"Ahh, lola maari bang mag tanong?" Usisa ko, ngumiti ang matanda sa akin "ano yun inig?"

"Ano pong nagyayari dito?" Umandar ang pagiging chismosa ko.

"Ayun sa mga police may nangyaring aksidente nung alas dos." Sagot niya napatingin ako sa wristwatch ko. Alas kwatro ng hapon.

May nangyaring aksidente kaninang alas dos?

"Naging madulas ang daanan dulot narin siguro ng malakas ng ulan kanina" napatingin ako sa kalangitan, malakas nga ang ulan kanina pero huminto ito nung alas tress.

"Hindi daw nagawang mapreno ng poging lalaki" hirit pa ng matanda. Napataas ang kilay ko nung marinig ang salitang pogi, mahilig ba si lola ng mga pogi?

"Sige ija aalis na ako. Hinihintay na ako ng apo ko" pagpapaalam niya. Ngumiti ako sa kanya. "Salamat po"

Sumiksik ako sa pagitan ng maraming tao, nung makarating ako sa kalagitnaan ay napatingin ako sa malaking truck na halos masira na ang nasa harapan, maging ang kotse ay napabaligtad pa dahil sa malakas ng pagkabugo nito.

Wasak ang lahat ng salamin ng kotse, nasasayangan pa nga ako dahil isa itong ferrari, madalang pa naman ang mga ganyang kotse dito sa pilipinas. Bakas rin ang mga dugong naiwan sa sahig maging ang truck at kotse.

"Miss Alvares?" Napatingin ako sa boses na iyun.

"Officer Lorkwek, ikaw pala" bati ko. Lumapit ito sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya habang inaalis ang gloves nito sa kamay.

"Nakikichismosa lang, anong nangyari dito?" Lumingon ito sa maitim na ferrari at lumingon sa akin.

"Nagkabanggaan" maikling sagot niya, napailing ako. Alam ko na nagkabanggaan. nakita ko pa nga at naki-tanong sa matanda babae.

"Hindi--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng putulin niya ito

"May na nakain na lasson si Mr. Rovanoma" nagulat ako, si Mr Rovanoma?

"Tama ang narinig mo si Mr. Rovanoma" muli pagputol niya sasabihin ko. Napatingin ako sa maitim na ferrari. Ilang segundo bago ko lang naalala na mula kay Mr. Rovanoma ang kotse nito at nakita ko pa kaninang umaga. Kaya pala pamilyar sa akin.

"May nakain na lason si Mr. Rovanoma?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Nakakapagtaka. Mabilis makiramdam at matalino si Mr. Rovanoma pero paano? Pa'no nangyari naka kain ito na lasson? Akmang mag tatanong pa sana ako muli inunahan na niya ako.

"Poisonous plants are those plants that produce toxins that deter herbivores from consuming them. Plants cannot move to escape their predators, so they must have other means of protecting themselves from herbivorous animals. Some plants have physical defenses such as thorns, spines and prickles, but by far the most common type of protection is chemical" mahabang paliwanag niya. Kung ganun isa itong prutas o halaman na ginawang tea? Pero hindi naman kinakain ang tea

"Isang mansanas kung sa scientific name Malus domestica" hirit niya. Mabilis ako napatingin sa kanya.

"Isang mansanas? Nakakalason ang isang mansanas?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Araw-araw ako kumakain ng mansanas pero bakit hindi man lang ako nalasson?

The Mysterious Princess [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon