Chepter 8

781 18 0
                                    

Xinedrix's POV

Tumapak ako sa Bermuda grass at tuluyan akong nakapasok sa isang pinto. Nakakamangha, sobrang nakakamangha, mga bulaklak na Hindi ko nasilayan nung buhay pa ako, mga puno na kulay asul ang mga dahon parang cherry blossom sa japan, napatingin ako sa tanawin kulay asul na kalangitan at magndang sinag ng araw, may mga paruparo nag liliparan ngunit kakaiba ang kanilang kulay.

Naglakad-lakad lang ako habang pinagmasdan ang boung paligid sobrang ganda, napatingin ako sa Bermuda grass, sa bawat tapak ko dito ay mag iiba ang kulay nito, kulay puti na liwanag.

Ito na ba ang langit? Sobrang ganda, o baka isa nanaman ito sa masamng panaginip?

"Apollo"

Napalingon ako sa likod, I saw a woman with her elegant gown

"Apollo, ikaw ba yan?" Bigla ako nakaramdam ng kaba, sino ba tinitukoy niya? Napalingon ako sa likod ko ngunit ako lang ang tao dito.

"Excuse me?" Lumapit ako sa kanya

"Sinong apollo ang tinatawag mo?" Tanong ko, nakita ko ang kanyang gulat sa mga mata nito.

"Kakaiba ang iyong salita..." sabi nito sa akin, napaisip ako dahil sa sinabi niya, Hindi kaya uso ang salitang ingles sa mundong ito?

"Isa ka ba sa mga prinsipe ng tomb oblivion?" Napatitig ako sa kanya, tinignan ko ang kabouan ng kanyang mukha, para naman siyang isang prinsesa, sobrang ganda nga niya

"Ahh. . . Hindi po"

"Bakit marunong kang gumamit ng ingles?"

Hindi ako nakapag salita, bakit sobrang big deal sakanya yun?

Napatitig ako sa mukha niya ng may napagtanto ako

"Prinsipe? Wala namang prinsipe sa Pilipinas eh, at itong lugar" sabay turo sa boung paligid "Hindi ko Alam kung nasa langit ba ako kasi kung hindi pa ako namatay bakit nandito ako? Hindi ko Alam ang lugar na ito, Saan ba to? Hindi pa ako nakakita sa Mundo ng mga tao ganitong ka ganda na lugar"

"Mundo ng mga tao?" Nag tatakang tanong nito, tinignan niya ako na maigi

"Isang alamat ang mga tao Apollo" sabi pa nito

"Hindi ako si apollo, ako si xine" sabay duro sa sarili ko

"Apollo... Alam kung ikaw yan... Hindi mo ba ako natandaan? Ako to si prinsesa yue" Huminga ako ng malalim at napahawak sa buhok ko

"Look... I'm not apollo my name is xine, xinedrix hero rovanoma at hindi alamat Ang mga tao they are real humans! At hindi ako tomb oblivion na sinasabi mo" pagpaliwanag ko

Ayaw ko na sa lugar na to

Natigilan ako ng makitang umiiyak ito sa harapan ko

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko.

Bigla ako nakaramdam ng kaba, Hindi ko Alam kung anong gagawin ko, Hindi ko Alam kung bakit ko pinaiyak ang magandang binibini, kinapa ko ang bulsa ko ay umaasang may dala akong panyo ngunit walang handkerchief sa bulsa ko

The Mysterious Princess [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon