Mahirap aminin itong lihim ng damdamin,
Itago ma't ikubli ay alintana parin.
Ngunit sa'n ba tutungo itong aking pagsuyo,
Kung ikaw ay manhid at puso mo'y hapo?
Ilang beses ng paulit ulit sa pag sayaw.
Itong musikang gawa sayo lang gumagalaw.
Sabihin ma't ibig 'paramdam itong pagkirot ng damdamin,
Ngunit sa t'wing ika'y natatanaw, sa malayo nakadungaw.
O, pag ibig! Anong sumpa iyong dala!
Ba't di pwedeng sumaya kapag wala siya?
Damhin mo'ng pagtibok nitong aking puso.
Gagaling pa ba itong puso kong bigo?

BINABASA MO ANG
Thought Notes
PoetryA collection of poems, ideas, and thoughts from my heart and my mind to yours.