Nais kong muling humimlay sa ilalim ng mga bituin,
Pagkahawi ng mapulang tabing ng langit t'wing takipsilim.Kung saan ang oras ay maghahalo sa wangis ng kahapon,
Hihinto ang ningas sa guhit-tagpuan ng noon at ngayon.Nakatulala sa langit at di mawari kung napupung-aw,
Sa nakalipas ba'y ganito rin ang kanila'y natatanaw?Nais kong muling lakarin ang daan sa kupas nang larawan,
Susundan mga yapak patungo sa ating unang tambayan.Amoy ng usok ng sunog na dahon at damong natapakan,
Naghahalong simoy na tangay ng dumidilim na kanluran.Makita pa kayang muli bago sumilip mga bituin,
Matapos mahawi ang luha sa matang sa'yo sana nakatingin.A/N:
📸 JohRey for the pic.
Sinulat ko itong tula na ito para alalahanin ang namatay naming kapatid-ang aming Kuya.. nang sa ganun lagi ko syang maaalala. Birthday nya pa naman sana ngayong Abril.
Bro, kung nasaan ka man sa ngayon, sana di na ganun kasakit at kahirap ang nararanasan mo. Sana maging masaya ka na. Salamat sa konting taon na nakasama ka namin sa aming paglaki. Mamimiss ka namin. Hanggang sa muling pagkikita. 🙂
BINABASA MO ANG
Thought Notes
PoetryA collection of poems, ideas, and thoughts from my heart and my mind to yours.