Una

12 0 0
                                    

Nasanay maghintay sa paglubog ng araw sa lumbay ng pag iisa
Nahimlay sa samyo ng hangin sa pag abang sa umaga
Minsa'y sukob ng kumot at malulungkot na alaala
Di inaasahang sa likod ng tabing ay nariyan ka..

Hindi bat parang kailan lang ng pinunas ang luha?
Sa paghawi ng ulan kasabay sa paglitaw ng mga tala..
Hahayaang mahulog ang damdamin kong dala
Sa pag-asang sa pagsikat ng araw ay darating ka

Suot aking tsinelas tayo'y nag umpisang lumakad
Subalit maraming daan sa atin ay bumungad
Pagkapit mo saking kamay muntik pang mahubad
Sa dami ng rason.. mas pinili nating umusad

Ilang daan.. sa kung saan.. di alam kung saan tutungo
Bastat hawak mo ang kamay ko, takot ay nawawala maligaw man tayo
Ilang bahaghari na.. ilang dapit hapon na.. ang binilang ko
Di alintana makasama ka lang kahit pa sa gitna ng bagyo

Pasensya na kung ikaw ay nakukulitan
Nais lang ibigkas itong sa isip bago malimutan
Hayaan mong itala natatagong mga salita
Na sinulat pa kagabi sa ilalim ng ilaw ng mga tala

Ako'y muling magsusulat di dahil napilitan
Ako'y nagsusulat sa maraming dahilan
Ang una'y mahal kita, pangalawa'y mahal mo ako
Matapos man itong munting tula, ngunit di ang pagibig ko.

A/N:
Sinulat ko ang tulang ito exactly a year ago, noong kami pa ng ex q. Sabi nga nila, #WalangForever. Nakakalungkot man pero minsan sa buhay ng tao ay nangyayari talaga ang mga ganitong bagay--Break Ups. But we just have to accept things as they are and move on. That is the essence of living. True love will just have to wait until both hearts are truely ready.
:(

Thought NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon