Ginawa ako para mahalin ka.
Aking pag ibig sayo lang ipadarama.
Sa bawat araw ay huwag mangamba.
Pagkat di mauubos itong aking pagsinta.
Di man tayo laging magkasama.
Hangad ko ika'y laging masaya.
Pagkat ang puso ko'y tanging sayo lang.
Hindi maaagaw ng kahit nino man.
Sisikat ang araw at lulubog sa kanluran.
Ngunit pag ibig ko sayo'y kailanman di lilisan.
Pangako kong sa Diyos ko na ipinagpaalam.
Na mamahalin kita ng walang hanggan.
BINABASA MO ANG
Thought Notes
PoesiaA collection of poems, ideas, and thoughts from my heart and my mind to yours.