Haidee Denise Pangan
I do not love you as if you were salt-rose, or topaz,
or the arrow of carnations the fire shoots off.
I love you as certain dark things are to be loved,
in secret, between the shadow and the soul.
I love you as the plant that never blooms
but carries in itself the light of hidden flowers;
thanks to your love a certain solid fragrance,
risen from the earth, lives darkly in my body.
I love you without knowing how, or when, or from where.
I love you straightforwardly, without complexities or pride;
so I love you because I know no other way
than this: where I does not exist, nor you,
so close that your hand on my chest is my hand,
so close that your eyes close as I fall asleep.
Everyone clapped as I bowed down to end my presentation. Not that I am bragging but I am one of the bests students in this field. But I still don't get the fact of why we have to take this subject. I mean imagine engineering and we are still taking this subject.
Naglalakad na ako pabalik sa upuan ko ng mapadako ang tingin ko sa isang sulok. A guy with an unreadable expression on his face. Literal na hindi nababasa ang mga ekspresyon sa mukha niya. Hindi ko nga alam kung nagkakaroon pa ba siya ng ekspresyon. Umiiling na umupo ako sa aking upuan.
Hinintay ko na siya na ang pumunta sa harap. I watched him as he presented. He's good at almost all things. He rarely shows expression but when he does, it somehow draws you to him. Which leads to my conclusion why girls fall for him so easily.
"Ayan ka nanaman. Inoobserbahan mo nanaman siya." Kumento ng matalik kong kaibigan na si, Lilac.
"I find him weird kasi." Sabi ko naman.
"At what's so weird about him? Baka mamaya kasama ka sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya."
"Lilac, he's weird. Look, he is a basketball player but he doesn't like the attention the girls give him. He's not that friendly nor approachable at all. He's too stiff and too complicated to understand."
"Wow, friend dami mo ng alam sa kanya ah."
"That's based on my observations. By the way, I don't like him at all. He's too seious for my liking."
Nag-kibit balikat na lamang si Lilac. Tinignan kong muli siya. He's back to his expressionless face. I was taken aback when he looked back at me. His eyes gazing at mine. Agad akong nag-iwas ng tingin.
What's more interesting about this guy is when he looks at you his eyes can captivate the hell out of you. Kaya siguro maraming nahuhumaling sa kanya. Hindi ako isa sa mga babae na nahuhumaling sa kanya. Isa lang naman kasi ang lalaking kinahuhumalingan ko noon pa man.
"Huy, babae nag-ring na yung bell! Ang lalim nanaman ng iniisip mo." Napatingin ako kay Lilac na ngayon ay nag-aayos na ng kanyang mga gamit.
"I'm still thinking of how weird he is." Sabi ko.
"Dapat nag-psychology ka hindi engineering."
Napailing na lang ako. "Tara na nga baka mahuli pa tayo sa susunod nating klase."
"Friend may isusuot ka na ba para sa party bukas?" Tanong sa akin ni Lilac habang naglalakad kami.
"Oo meron na. Tagal ko ng pinaghandaan 'yon." Sagot ko.
"Nako! Palibhasa andun ang man of your dreams mo." Pang-aasar niya sa akin. Tumawa lang ako.
"Pero sana mapansin niya na ako..."
"Nako friend parang malabo ata 'yan. Alam mo naman na yung man of your dreams ay napakababaero."
"Malay mo ako na ang makapagpatino sa kanya di ba?" Umupo na ako sa lugar ko.
"Asa ka pa." Sabi niya.
Nagulat ako ng biglang umupo ang lalaking lagi kong inoobserbahan sa tabi ko.
"Uhmm... Excuse me? Bakit dito ka nakaupo?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya umimik. "Marunong ka bang sumagot ng tanong?"
I sighed. Bakit ba nga ba ako nagtanong? Hindi naman pala uso ang nagsasalita sa kanya. Napailing na lang ako.
"Bawal bang umupo dito?" Nagulat ako ng magsalita siya. Napatingin ako sa kanya. "Hindi naman di ba?"
"Nakakagulat lang kasi... Madalas sa likod ka umuupo." Sagot ko naman.
"I only do that because you girls are so annoying."
I frowned. "Paano naman kami naging annoying ha?"
"You fangirl so bad. Para bang ngayon lang kayo nakakita ng gwapo."
I stared unbelievably at him. "Excuse me Mister Hunter Rivera, huwag mo kaming nilalahat. For your information, hindi ako kasama sa mga babaeng nakakandarapa sayo."
"Really?" He smirked.
"Oo talaga. Huwag kang feeling hindi ka naman kagwapuhan." I snorted.
"If you say so Miss Pangan. If you say so..."
Hindi na kami muling nag-imikan pa. May yabang din palang itinatago ang lalaking ito. Napaka-taas din ng confidence. Palibhasa basketball player. Lahat siguro ng basketball player punong-puno ng hangin sa ulo.
Tumingin ako sa gawi niya. Matangos na ilong, his jawline damn! No shit Sherlock ang ganda ng jawline niya. Jawline kung jawline. Sa jawline pa lang busog ka na.
"Done checking me out?" Bigla siyang humarap sa akin na ikinagulat ko. Saktong napatingin ako sa mga mata niya. His eyes... They are so captivating. "Akala ko ba hindi ka kasama sa mga fangirls ko?"
Bigla akong natauhan. "H-Hindi naman talaga." Umiwas ako ng tingin.
"Really? Kaya pala kung makatingin ka sa ak—"
"Shut up!" Pinigilan ko na siyang magsalita pa.
He laughed a bit. "Guilty as charged."
"I wasn't checking you out! It's called observation. Napaka-weird mo kasi."
"I'm weird?" Tanong niya.
"Yes, you are damn weird." Sagot ko naman.
Hindi na siya umimik pa. Gusto ko na lang iumpog ang sarili ko. I am sure as hell that I was really checking him out. Nakakahiya ako! Ang gusto ko na lang ngayon ay ang matapos ang klase na ito at makalayo sa lalaking ito.
Nang magsimula ang klase hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin. I have never been this stiff in my whole life. Hanggang sa matapos ang klase hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nakapagrelax lang ako ng mauna na siyang lumabas.
"Yung puso mo." Pang-aasar ni Lilac.
Tinignan ko lang siya ng masama. "Baka mamaya nagkakagusto ka na sa kanya ah."
"Ako? Magkakagusto sa kanya?" I laughed. "Asa ka pa."
Over my dead body. Hinding-hindi ako magkakagusto sa mayabang na 'yon!
-
The poem mentioned above is "Sonnet 17" by Pablo Neruda