Hot Return *1*

19 0 2
                                    

"aldrin sana tangapin mo itong ginawa kong chocolate kisses, matamis yan at hindi nakakaumay, at pinaghirapan ko yan gawin"-hanie  Sabay smile na napakatamis

"kailan mo ba ako tatantanan ha!! Araw araw ka nalang papansin, naiinis na ko SAYO!" -aldrin

********************

HANIE'S POV:

Hi ako si Marie Hanie De Letran, just call me hanie hehe, 16 years old na ako pero isip bata pa rin mag isip, si mommy kasi eh tinuturing pa rin niya akong baby sa kadahilanang ako ay mama's girl.

anyway mayaman ang pamilya ko sa buong bansa at nag mamay ari rin kami ng isang academy at doon ako nag-aaral. DE LETRAN ACADEMY yan ang name ng school, 4th year high school na ako at meron akong napupusuan sa aking kaklase, siya lang naman ang heartrob ng aming academy, siya ay si Chris Aldrin Alcantara, kahit anong gawin kong papansin sa kanya ay talagang manhid talaga siya.

PERO HINDING HINDI AKO SUSUKO KAHIT MAMATAY MAN MGA KUTO NIYO HAHA
peace FIGHTING LANG !!

"Ahmmm... Bakit naman ang silaw, ang sakit sa mata" nagising ako dahil sa sinag ng araw , napuyat pa aman ako kagabi dahil gumawa ako ng chocolate bar ibibigay ko kasi ito kay aldrin pang peace offering ko, nagalit kasi siya kahapon sa akin.

"Good morning ma'am kailangan niyo na pong bumangon baka mahuli na kayo sa klase niyo" utos sa akin ng isa sa aming mga maids.

"Give me 10 minutes po para matulog pa" kulang talaga ako sa tulog eh. Sabay pikit ulit

"Ma'am ayaw niyo po nun, makikita mo po ulit si aldrin" tusong biro sa akin kaya napabalikwas ako ng bangon, alam kasi ng mga maids namin ang pagka gusto ko sa crush ko kaya ayun yun pang gamit nilang pang gising sa akin.

"ALDRIN!! Oh my god, oo babangon na ako, baka nandoon na ang prince charming ko" pagkarinig ko nung name niya ay agad ako pumasok sa c.r ko, may sariling c.r kasi ang kwarto ko, hindi ko na kailangan ng borloloy sa mukha dahil simple lang akong babae sabi kasi ni mommy CUTE na daw ako hehe....na miss ko tuloy si mommy nasa new york kasi siya kasama ni daddy para ayusin daw ang iba pa naming business. Minsan nga nalulungkot ako kasi hindi ko kasama araw araw mga parents ko

but I understand naman ehh, para sa akin din naman yung ginagawa nila. Kaya masaya na rin ako kahit papaano.

Kinuha ko agad yung ginawa kong chocolate bar kagabi, excited na akong makita siya ulit hehe

pumunta ako agad sa parking lot. Nandoon kasi yung kotse ko na gift sa akin ni mommy nung birthday ko. Eh hindi pa ako marunong mag drive kaya naghanap kami ng driver, tsaka wala pa akong license.

Hot ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon