Hot Return *2*

10 0 0
                                    


HANIE'S POV:

Hindi pa rin ako natitinag sa mga sinabi sa akin ni aldrin, kahit magalit pa siya sa akin o gumunaw man ang mundo hinding hindi ako titigil. Anyway dala dala ko ngayon ang mga binili kong pagkain sa canteen  para kay aldrin habang nakangiti nakapaskil sa aking mukha para lang kasi akong asawa na bibigyan ang mister ng baon hehe kinikilig ako sa iniisip ko at tsaka  para hindi na siya bumaba pa.

"A-aldrin binilhan pala kita ng makakain, para hindi kana gumastos at bumaba sa canteen" habang inaabot ko sa kanya ang binili kong pagkain ay nakatingin siya ng masama saken.

Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at ngumiti, kaya napangiti din ako

"May sinabi ba ko SAYO na bilhan mo ko ah!!!" Sigaw niya sa akin na ikinagulat ko

"Hi-hindi gusto lang kita bilhan ka ng makakain" nauutal kong sagot sa kanya habang nakayuko

BOOGSS!!

napatumba ako at napaupo sa sahig,  dahil tinulak niya ako na napakalakas kaya natapon lahat ang pagkain sa akin sa uniform ko. Humihikbi na ako

"Lumpo ba ako para bilhan mo ko?,  tsaka hindi naman kita ka ano-ano, wag ka nga lumapit lapit sakin BWISIT!!!"
Sabay alis niya sa harap ko.

May narinig akong sumisigaw sa pangalan ko alam kong boses iyon ni nathan. Naramdaman ko nalang ang kamay niya nakahawak sa braso ko

"Hanie anong nangyari sayo?, bakit ang dungis mo?, sino gumawa niyan sayo?, tuturuan ko ng leksyon"
Tumingin ako sa kanya at ngumiti

"Wala to nathan na outbalance lang ako kaya ganito nangyari, kaya wag kang mag alala" napa taas lang siya ng kilay na pinapakitang hindi siya naniniwala sa sagot ko sa kanya

"Magpalit ka muna nga ng damit, kunin natin ung p.e uniform mo sa locker room" suggest niya sa akin at tinulungan niya akong tumayo

"Si-sige salamat talaga nathan" hindi ako makapagsalita ng maayos at hirap ako makatayo ang sakit kasi ng pag kabagsak ng pwet ko eh ouch hmmm nakakahiya tuloy kay nathan at sa mga students nakakita ng nangyari kanina

habang hinanalayan ako ni nathan papunta sa locker room ay nasalubong namin si aldrin. hindi ako makatingin ng maayos. Tumingin ako kay nathan Na nakatingin kay aldrin nanlilisik ang kanyang mga mata. tinignan ko rin si aldrin ganoon din siya makatingin kay nathan parang may kuryenteng lumalabas sa kanilang mga mata.

nilagpasan na namin si aldrin. Maya maya nakarating na kami sa locker room. kinuha ko agad ang p.e uniform ko at agad pumasok sa c.r para maligo. meron kasi shower dito sa academy nirequest ko kay daddy...

"whoooo grabe ang lamig naman ng tubig"
pagkatapos ko maligo at magbihis lumabas na ako ng c.r
nakita ko si nath na nakatingin sakin

"Bagay sa iyo hanie, gumaganda ka lalo hehe" nakangiti niyang saad

"Bolero ka talaga, paano kaya kung si aldrin ang magsabi nyang sinabi mo siguradong kikiligin ako hehe" sana si aldrin nalang ang nagsabi nung sinabi sakin ni nathan kikiligin talaga ako sobra sobra hehe

"Aldrin!! Aldrin na naman iniisip mo pagkatapos ng ginawang hindi magaganda sayo" pasigaw niyang sabi pero sapat lng ang lakas

"Wag ka na magalit sa kanya nath, kahit anong gawin niyang hindi magaganda sakin, mapapatawad ko parin siya ganoon naman talaga ang magmahal diba?" oo tama mga nabasa niyo, kaya ko mag tiis at maging tanga para kay aldrin, hindi parin ako susuko!

"hay nako, ewan ko sayo, ano ba nakita mo sa aldrin na iyon kung bakit patay na patay ka sa kanya" takang tanong niya

"Mahal ko kasi siya, siya lang naman ang PRINCE CHARMING ko" nakangiting sagot ko kaya kinilig ako bigla hehehe

"Ewan ko sa iyo, basta nandito lang ako, kapag kailangan mo ng karamay bilang bestfriend mo tawagin mo lang ang maganda kong pangalan, dadating ako agad agad hanie"

"Ok sabi mo eh, alam mo ba swerte ako nath kasi nagkaroon ako ng BFF like you" napakaswerte ko sa BFF ko, tutulungan niya ako kahit siya pa ang mapahamak.

(FAST FORWARD SA UWIAN)

Ang bilis naman ng oras kaya, ngayon uwian na namin, kanina hindi ako nakikinig sa lessons nakatingin lang ako kay aldrin buong klase, iniisip ko rin kung bakit hindi ako magustuhan ni aldrin. maganda naman ako simple nga lang, mabait, sweet lahat na ng katangian ng dalagang pilipina nasa akin na. Magiging akin ka din aldrin. hehe

(Sa parking lot)

"Hanie hatid na kita sa inyo?" masayang sabi ni nath.

"Salamat nalang nath, nandiyan nadin si manong ermi, nagtext na siya sa akin"

"Ah,sige itext mo na lang ako kapag nakauwi kana ah."

"Sige nath"
nagulat ako kay nath nang may tinuturo siya

"Hanie diba si aldrin yun, nag hahalikan sila ni evangilyn"

Pagkakita ko ng magkahalikan sila ni evan. Agad akong yumakap sa dibdib ni nathan bigla nalang kasi tumulo mga luha ko, ayoko makita mga ginagawa nila ang sakit kasi ng nakikita ko iyong mahal ko na nakita kong may ibang kahalikan ..ANG SAKIT SAKIT

"hayaan mo nalang siya hanie, ganyan talaga ang mga taong katulad nyan, dapat kalimutan mo na lang siya" sabi ni nath sa akin habang niyayakap din ako

"(Sniff) hi-hindi ko ka-kayang kalimutan (sniff) siya eh" ang sakit ng puso ko parang nadudurog ang sakit, nahihirapan ako makahinga, susuko na ba ako? Tulungan niyo naman ako.. parang nawalan na ako ng pag asa para sa pag ibig ng lalaking mahal ko. sige hindi Muna ako susuko kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo pa din ang lahat hangat may oras pa at pag asa

"Hay nako hanie, bakit ka umiiyak?, ganoon mo ba talaga kagusto sa mokong na yan?"

Hindi ko sinagot ang tanong ni nathan hangang sa nakasakay na ako sa kotse. habang nasa byahe nakatingin lang ako sa bintana ng kotse ko nag iisip sa nangyari kanina. maya maya nakatarating na ako sa mansyon Dela Fuente at agad kong tinext si nathan na nakarating na ako sa mansyon.

Pagkapasok ko ng mansyon. Bumungad sakin ang isang babae na matagal ko ng hindi nakikita at nahahagkan, bigla ako ngumiti sa nakita ko at napaluha

"MOMMY!!" Si mommy nandito na.. matagal ko na siya hindi nakikita. Agad ako yumakap kay mommy dahil miss na miss ko na sya

"Baby, I MISS YOU SO MUCH" sabi niya sa akin at sinukli din niya ang yakap ko

"Mommy, na miss ko rin kayo, miss na miss" hinalikan ako ni mommy sa pisngi at hinalikan ko rin sya.

"Alam ko baby kaya umuwi na ko dito" nakangiting sagot niya at kumalas na sa yakapan namin pero nakahawak siya sa aking kamay

"Kailangan ko po talaga ng karamay ng isang ina" tama ang pagdating ni mommy, kapag nakita o nakasama ko siya nawawala agad ang mga problema ko at kalungkutan

"Oh!, bakit baby anu nangyari at bakit namamaga mga beautiful eyes mo?" Malungkot na tanong ni mommy,  sabay pout pa niya

"Wala po ito mommy, sige akyat na po ako sa kwarto ko"

"Sige baby, bumaba ka agad ah, kapag ready na ang dinner ok, ako magluluto, lulutuin ko ang favorite mong ulam at dessert"

Malungkot ako kanina pero napalitan naman iyon ng saya dahil makakasama ko na ulit ang aking mommy pero hindi pa rin nawawala ang lungkot dahil sa nakita ko kanina sa parking lot. nalilito ako masaya ba ako? o malungkot?, bakit ko pa kasi nakita ang ganung eksana kanina?

pagkatapos ko magpalit ng damit ay agad ako bumaba at pumunta sa dining table para kumain na miss ko rin mga luto ni mommy sakin eh. pagkatapos ko kumain agad ako pumunta sa kwarto, tumalon ako sa higaan at niyakap si closifer, si closifer ung stuff toys kong pusa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

HOT RETURN

---*---

HI guys! Nagustuhan niyo po ba ang chapiter na ito o may kulang pa?? Comment lang po kahit negative hehe.

Hot ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon