Hot Return *3*

10 0 0
                                    

MOMMY 'S POV:

=KINABUKASAN=

Maaga ako nagising para magluto ng pang almusal ng baby ko, matagal tagal ko na rin kasi siyang hindi nalulutan ng favorite niyang pancake, mahilig kasi ang baby ko sa mga matatamis na pagkain lalo lalo na kapag cake or pancake basta mga sweet food but sinasabihan ko naman siya na may limitation ang pagkain ng ganoon baka mag ka diabetes siya . pagkatapos kong magluto ng pancake ay agad akong pumunta sa kwarto ng baby ko, tulog mantika kasi yang si hanie nagmana sa daddy niya..

TOK TOK TOK

"Sino ba yan ang aga aga pa po eh, nang iistorbo na ng tulog ko" malumanay na pasigaw niyang sabi mukang antok pa talaga ito

"Baby, buksan mo ang pinto, gising na at bumangon ka na sa higaan mo kailangan mong kumain ng breakfast, baka mahuli ka sa klase mo"

Nakarinig na lang ako ng may naglalakad sa loob ng kwarto niya. Halatang napipilitan lang siya bumangon.

Binuksan ni baby yung pinto agad siyang bumalik sa higaan at nagtalukbong ng kumot..ay nako napaka tamad talaga niyang bata nayan

"Baby, bangon na, maaga na ow, gusto kita makasabay sa breakfast" nakangiti kong sabi

"Opo, babangon na ako mommy, mauna na po kayo bumaba" mahina niyang sagot

"Okay, baby basta sumunod kana agad ah" nag nod lang siya, haaay.. itong bata na to parang ayaw niya ko makasabay sa breakfast, hmmm bumaba na ako at pumunta na sa kitchen.

HANIE'S POV:

Araw araw nalang ganito, sino ba kasi nag isip ng oras ng pasok ng mga studyante ng sobrang aga, hindi ba sila nag iisip na mga puyat din tuwing gabi ang mga bata katulad ko!, sarap kalbuhin iyong nag isip na iyon

JOKE lang hehe nag sisi pa ng iba hehe

Bumangon na ako at agad pumunta sa c.r nag sipilyo muna ako at naligo at nag bihis na ng uniform tapos bumaba na ako agad

Pagkababa ko nakita ko agad si mommy sa dining table na nakaupo alangan namang lumilipad hehe umupo na ko sa harap ni mommy.

"Oh baby, ang tagal mo naman bumaba ma le late kana"

"Syempre po nag ayos po muna ako sa sarili ko mommy, hmm, ano po yan mommy?" Tinuro ko yung food sa taas ng table. Ang cute kasi tignan

"Sa tagal na kita hindi nalulutuan niyan nakalimutan mo na kung ano ang tawag diyan, wala ng iba kundi ang favorite mong pancake!" Masayang sabi ni mommy hehe natawa ako sa gestures ng kamay niya
May pataas taas pa ng kamay

"Sweet niyo naman mommy, heart pa po talaga ang shape, thanks mom" ang swerte ko talaga na may sweet akong mommy

Hot ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon