Hot Return *5*

5 0 1
                                    

HANIE'S POV:

Pagkapasok ko ng mansion, napatigil ako sa sala.

Ang bango hmmm
may na aamoy akong masarap

"Good evening mam, kanina pa po kayo hinihintay ni madam sa kusina" sabi sa akin ng katulong namin, di ko kilala kasi sa dami nila hindi mo talaga sila lahat matatandaan.

"Ah sige po ate" ang bango talaga ng naamoy ko, sinundan ko yung amoy galing pala sa kusina, baka nagluluto si mommy hehe pagkapasok ko sa kitchen

"WAAAAHH! Ang daming pagkain," gulat na sigaw ko, namangha ako kasi grabe talaga punong  puno lamesa namin ng madaming pagkain, ang bango, ano okasyon bakit ang daming pagkain, nakita kong nagluluto pa si mommy, pasayaw sayaw pa siya habang humahalo ng niluluto niya

"Mommy bakit ang daming pong pagkain? May okasyon po ba?" Tanong ko sa kanya, kumuha ako ng isang chicken lollipop hehe

"oo baby birthday kasi ng anak ng bff ko, bff ko yun nung high school pa lang  kami, humingi kasi siya  ng favor masarap daw kasi ako magluto kaya ako ang pinapaluto niya sa handa ng kanyang anak, umakyat kana muna at mag palit ng magandang damit pupunta sila dito" mahabang saad ni mama. Ayun pala yun kaya ang daming pagkain, akala ko naman kung ano na

"Ahmm mommy ako pwede ba ako hindi na bumaba mamaya?, nakakahiya naman kasi" nahihiyang sabi ko, napatingin siya sa akin

"Wala ng arte at pabebe, umakyat kana sa taas at magpalit ng magandang dress dapat mukha kang kagalang galang ah"

"Yes mommy" wala ako nagawa kundi sundin ang utos ni mommy, umakyat na ako sa taas at pumasok na ako sa aking kwarto at agad agad nagpunta sa aking closet, may nakita akong puting dress, simple lang naman ang design , hindi ko alam kung saan ang galing ang iba kong dress wala ako maalala na may mga ganito ako, siguro kay mommy, nagpalit na ako ng puting dress hangang tuhod siya, nagsuklay muna at nag pulbo at ngumiti

Maya maya

"May naririnig akong tumatawa sa baba, hmm nandoon na yata ang may birthday" sabi ko sa aking isip

lumabas na ako ng kwarto at bumaba may nakita akong isang babaeng maganda kasing tanda ata ni mommy at isang lalaking may edad na din na nakaupo sa malaki naming sofa, tumingin sila sa akin habang bumababa kaya napayuko ako, nakakahiya kasi titig kung titig talaga sila. Hangang sa nakarating na ako sa tabi ni mommy

"baby, anjan kana pala, batiin mo sila" nakangiting sabi ni mommy kaya ngumiti din ako

Hot ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon