10 years earlier...
Masayang-masaya kami ng aking ama na naglalaro sa aming hardin habang si mama naman ay naghahanda na ng meryenda kasama si tita Edith. Pagkatapos nila mama maghanda ng aming pagkain,nag unahan kami ni papa sa pagkuha ng pagkain.
"Oh,dahan-dahan lang kayo. Hay ewan ko ba sa inyo kung bakit ang kukulit niyo." saway sa amin ni mama.
Habang masaya kaming naglalaro nila mama,papa at ni tita Edith ay bigla kaming nakarinig ng malakas na pagsabog. Nagtinginan sila mama,papa at tita Edith habang ako ay gulat na gulat pa rin sa pagsabog.
"Edith,magtago kayo. Pumunta kayo sa mundo ng mga tao na hindi kayo mahahanap ng The Evil Ones. Mag-ingat kayo. Alagaan mo si Rhian. At kahit anong mangyari,hayaan mong siya na ang bahala sa paghanap ng mga nawawalang Elemental Guardians." sabi ni mama kay tita Edith habang si papa naman ay naghahanda na ng kanyang mga armas.
"Ate. Magiingat kayo."maluha luhang sabi ni tita Edith kay mama. Niyakap lang ni mama si Tita Edith at bumaling sa akin.
"Rhian,anak. Ipangako mo sa amin ng ama mo na hindi ka titigil sa paghanap ng mga nawawalang elemental guardians. Ipangako mo." sabi ni mama ng naluluha.
"Opo,mama. Pangako po." kinakabahang sabi ko kay mama.
"Ipangako mo din sa amin na kahit anong mangyari,hinding-hindi ka susuko. Huwag mo kaming biguin,anak. Mag-iingat ka. Tandaan mong mahal na mahal ka namin ng ama mo." sabi ni mama sabay halik sa aking noo at yakap ng mahigpit. Pagkatapos no'n ay bumitaw na sa pagkayakap si mama sa akin.
Tumayo na si mama at lumapit na kay papa at nagsimula ng magcast ng spell. Tumingin lang sa akin si papa at ngumiti ng pagkatamis tamis at sinabi sa aking 'Magingat ka,Rhian. Gagabayan ka namin ng mama mo.' Nagsimula na ring magcast ng spell si Tita Edith nang biglang bumukas ng malakas ang aming main door. Bago kami mawala ni Tita Edith,kitang kita ko kung paano isinakripisyo ng aking mga magulang ang kanilang buhay para sa amin at sa mga tao. Pagkatapos no'n ay nawalan na ako ng malay...
BINABASA MO ANG
The Elemental Guardians
FantasyAn adventure in finding the lost guardians and train them to fight the evil ones and save the world. Ako si Rhian Chambers. Ang lider ng Elemental Guardians. At hindi ko hahayaan na sakupin ng mga masasamang loob ang ating mundo sa ngalan ng aking m...