Chapter 2: The Dark Bearer

14 2 1
                                    

Dedicated kay good_angela08
na pinakabago kong follower :)

"Anong ginagawa mo dito sa rooftop?" kalmadong tanong ko sa kanya. Siya naman ay parang tulala pa rin sa nangyayari.

"D-Dito ako tumatambay minsan." sagot niya naman. Okay,that's it. Tatanungin ko na talaga siya.

"I'm Rhian by the way. Ikaw,anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Gusto ko lang maigurado kung si Black talaga siya. Nagtataka ba kayo kung bakit alam ko ang mga pangalan nila? Tuwing nakakahanap kasi ako ng isang Elemental Guardian diba nananakit ang wrist ko? May bumubulong sa akin ng pangalan nila at umiilaw ang scar ko depende kung ano ang Elemental Power niya. Tulad ng kay Aileen,nung nahanap ko siya,umilaw ang scar ko na yellow. It means light bearer siya.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo pangalan ko?! Nakita ko kung paano mo binawi ang mga snow dito kanina! Ang cool nga non eh. Haha. Gets mo? Ang COOL." pambibiro niya. Ang corny ng joke niya,pfft! Ngumiwi lang ako sa kanya at tumango.

"Sabihin mo na sa akin ang pangalan mo. Tutal naman nagpakilala na ako." pang-ngungumbinsi ko sa kanya.

"Sige na nga. I'm Black Montellano." siya na nga...

"Black. You need to come with me--"

'Huh? Bakit naman isasama ni Rhian yung lalaking yun? Hindi niya pa nga kilala ng husto yung tao eh.' Aileen. Kanina pa pala siya nakikinig.

"Aileen. Labas. Alam kong nakikinig ka diyan." pagtawag ko sakanya. Pumasok naman si Aileen na nakangiti ng pilit at naka-peace sign sa akin.

"S-Sorry Rhian. Pupuntahan lang sana kita para tawagin tapos narinig ko lang kasi na may kausap ka kanina tapos nakinig lang ako kasi... You know... Curiousity kills." mahabang paliwanag ni Aileen. Nang magkatinginan si Black at si Aileen. Bigla silang sumigaw.

"Bakit?" tanong ko sa kanila.

"Y-Yung scar ko sa braso!! Umiilaw!!" sigaw ni Black.
"Ganon din nangyayari sa scar ko sa batok!!!!" sigaw ni Aileen.

"Just calm down." sabi ko sa kanila at tinignan ang mga scar nila. Ang scar ni Black ay naging yellow,samantalang kay Aileen ay naging black. Tanda na nagtagpo na ang dalawang opposite powers.

Pagkatapos non ay kumalma na sila. Bumalik ako sa topic namin ni Black kanina.

"Black,kailangan niyong sumama sa akin ni Aileen sa bahay. Doon na rin kayo mags-stay for good." diretsong sabi ko sa kanila. Nabigla naman sila sa sinabi ko.

"Huh?! Bakit nga?! Kailangan ba talagang tumira don?! Bakit naman ako papayag?! Tsaka bakit ba umiilaw tong scar ko?!" tanong ni Aileen. I really need to explain this to them. Alam kong ganon din ang tanong sa isip ni Black.

"Come with me. This is not a safe place to talk about this." english yun ha. Wag kayong ano.

Gaya ng sabi ko,sumama nga silang dalawa sa akin kahit na naguguluhan pa rin sila. Nang makarating na kami sa bahay,ni-lock ko na ang main door at lumapit sa kanila.

Pumunta ako sa secret elevator at gulat na gulat sila sa nakita.

'Huh?! Paanong nagkaroon ng elevator doon?!' -Aileen
'Astig ng pader na yun ah. Nagiging elevator.' -Black

"Secret elevator to papuntang basement. Walang nakaka-alam nito bukod sa amin ni Tita." sabi ko sa kanila. Speaking of tita,nabigla siya dahil may kasama akong dalawang tao. Lumapit ako kay tita at binulungan.

"Tita. I found the two Elemental Guardians. 8 na lang ang kulang." bulong ko sa kanya. Mukha naman siyang natuwa.

"Sila na ba yon?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako bilang sagot. Ngumiti naman siya at lumapit sa dalawang gulong-gulo.

"Welcome,Aileen and Black." sabi ni tita sa dalawa.

"Paano mo po nalaman ang pangalan namin?!" sabay na sabi ng dalawa. Natawa na lang kami dahil sa reaction nila.

Pagkatapos non ay pumasok na kaming apat sa elevator at pumunta sa basement. Tuwang tuwa naman ang dalawa.

Nang makarating na kami sa basement...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Elemental GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon