Mabilis na lumipas ang panahon. Nakapirma nga sya ng contract sa D Records. May pahintulot naman sa nanay at tatay nya. Noong pumirma sya ng contrata, kasama na doon ang paglipat nya sa isang condo at ang paglipat ng school. Sinabi nya sa binigay ni Mr Davis na manager sa kanya na scholar sya doon kaya ayaw sana nyang malipat. Pero naisip nya, mas mabuti nga sigurong lumipat para madali syang makamove on kay Tristan. At sabi naman nila sa kanya ay scholar din daw sya ng companya kaya nag okay na din sya.
Active na din sya sa mga social media. Actually daig pa nya ang stalker ni Tristan. Kahit hindi na sya nag-aaral sa dating school, nakasubaybay pa din sya kay Tristan dahil sa IG. Nalaman nyang nagkaroon ng sariling negosyo si Tristan which is isang Music Disco Bar. Bihira lang mag-update si Tristan sa account nya pero salamat na lang sa mga tag at nakakasubaybay sya dito. Lagi kasi itong tinatag ng mga babae. Kesyo kasama nila ito sa isang party, kainoman, kahalikan, etc etc etc.
Masakit madalas ang nakikita nya pero hindi pa din nya matigil kabaliwan nya. Naging mabilis Ng pagsikat nya. At nahihirapan na syang pagsabayin minsan ang pag-aaral at mall shows. Pero nagpapasalamat pa din sya sa kanyang pamilya na laging sumosuporta sa kanya.
Graduation...
"Let's hear it up! A performance from lovely Cum Laude, GK!"
Nagpalakpakan ang mga audience sa nagaganap na graduation. Gk lang pala ang name nya on screen. Pangit naman kasi ang lastname nya hindi naman nya iyon ikinakaila. Pero proud pa din syang sya si Georgina Kate Alimparo, Cum Laude kahit pa sobrang busy nya sa trabaho!
Kumanta naman sya. Organ ang gamit nyang instrumento at kinanta ang nya ay only hope by Mandy Moore.
Sinunod naman nyang kinanta ang salamat by Yeng Constantino.
Naging maingay ang graduation nila pagkatapos. Nagdinner naman sya at ang pamilya nya pagkatapos.
Ang dami nang nagbago sa kanya. May bahay na sya sa isang subdibisyon sa Fairview. May sariling condo unit na din sya sa may Kamuning, Quezon City. May sariling kotse at Van para sa pamilya nya. May malakilaking ipon sa bangko. May boutique sa isang mall na ang nanay at tatay nya ang namamahala. Pero eto sya, hindi pa din masaya.
Bakit ba hindi nya magawang kalimotan ang isang taong ginawa syang pustahan? Nakangiti sya sa mga tao pero deep inside her may kulang. Siguro dahil wala naman silang closure. Pero bakit sya naghahanap ng closure gayong hindi naman naging sila?
Minsan natatagpoan nya ang sarili na nag-aabang sa music bar nito or sa condo nito. Ganon sya kalala kakastalk sa lalaking yon. Wala din syang mapagsabihan. Ayaw nyang e damay sa kahibangan nya ang pamilya nya.
"Wow! Look whos here! Iha! Do you still remember me? "
Paano nga ba nya malilimotan ang momi ni Tristan na naging daan ng tagumpay nya ngayon? Tagumpay nga ba? Diba dapat kung tagumpay ka na eh masayang masaya ka? Pero sya, hindi nya makuhang maging masaya!
"Hi po! Of course po. Dahil po sa inyo kaya ko nakilala si Mr. Davis! "
"Dahil yon sa talent mo iha! Gustong gusto talaga kita kahit noon pa. Sayang at ... Never mind. Enjoy your night! I have to go. " ngumiti ito sa kanya.
YOU ARE READING
Bachelor's Series 3: Tristan
RandomNapapalunok syang nakatitig sa dibdib nito pababa sa tyan at puson hangang sa gitna ng hita nito. "Tititig ka na lang ba?"