Chapter 11

11.4K 258 2
                                    

Masayang sinalubong si Georgina ng nanay at tatay nya sa NAIA. It's been 5 years already since nakaapak sya ng Pilipinas. Hindi din sya nakapagmasters sa Boston gaya ng unang plano nya. Masyadong bagabag sya noong panahong umalis sya at hindi makapagfocus kaya di sya nag-enrol. Nang naisipan naman nyang magtrabaho ay nalibang naman sya at di na naisipang mag-aral pa.

Nagsimula sya as receptionist ng hotel. Hanggang sa napromote sya as Supervisor. Oo, umalis pa din sya ng ibang bansa at nagtrabaho for five years.

"Anak! Ang ganda mo lalo! Ayoko nang umalis ka pa ulit ha."

"Nay, kakarating ko lang tapos yan agad pag-alis ko ang isasalubong nyo!"

"Nak nakapag-asawa na si Jake. Naku nagtatampo yon sayo. Hindi ka naman kasi umuwi noong kasal nya! "

Kinasal na nga pala si Jake lastyear. Pinapauwi sya nito kaso nagkaproblema naman sya noon kaya nahirapang maka-uwi. May ticket na sya noon pauwi kaso kinancel dahil sa problema.

"Nay, naiintindihan ako non. Alam naman nya ang dahilan ko."

"Nak bakit di mo na lang isinama---"

"Nay halika na! Uwi na tayo! Lagot sa akin yang si Gregory! "

"Nak, kaya nga huwag ka nang umalis. 3 na ang branch ng boutique mo. Hindi na maasikaso ni Gregory dahil manganganak na si Jayka at focus din sya sa pag-aaral nya. "

"Nay, kinokonsinti nyo si Gregory! 18yrs old pa lang sya magiging ama na sya! First year college pa nga lang! Umuwi na tayo! At talagang hindi sya sumama dito ha! "

Nagagalit talaga sya sa kapatid nya. Ang laki ng tiwala nya dito pero nabalitaan na lang nyang may pumunta sa bahay nila at nabuntis daw ni Gregory at malapit nang manganak!

Malapit ng gumabi nang makarating sila sa bahay nila sa Fairview. May sumalubong sa kanilang babae na malaki ang tyan at nagmano sa nanay at tatay nya. Siguro 16years old pa lang ito dahil masyadong pang bata ang hitsura nito! Alam agad nya kung sino iyon. Inirapan nya ito. Yumoko naman ang babae.

"Nasaan ang magaling na Gregory na yan?! "

"Ate na sa school pa po. Pero parating na din po iyon dahil wala na po syang klase ng ganitong oras. " sabi ni Jayka

Hindi nya ito inimikan at pumasok ng bahay.

Dumiritso naman sya sa dating kwarto nya. Malinis iyon kaya naengganyo syang humiga. Mayamaya napaidlip na din sya.

Narinig nyang may kumatok sa pintoan nya.

"Nak, halika na sa labas. Andito sila Jake. "

"Susunod na po nay. "

Mag aalas-syete na pala. Nang makapag-ayos sya ng sarili ay bumaba na din sya. Tanging cotton shorts at chiffon sleeveless blouse ang suot nya.

"George! "

"Jake! "

Hindi nya napigilang mapayakap sa lalaki ng mahigpit.

"It's been 5 years Jake! "

"Eherm" napalingon sya sa tumikhim at nakita nya ang isang magandang babae pero maliit ito. Siguro 5'1" or 5flat ang height niyo pero sexy ito sa petite na pangangatawan.

"George, meet my wife, Andy. Hon, kilala mo naman sya diba? "

"Hi Andy! Wow, bakit ka nagpakasal sa mokong na ito?! Uy Jake ha, masyadong maganda si Andy para sayo! Siguro ginayuma mo sya no?! "

Tumawa naman ang nanay nya at si Andy.

"Wow. Akala ko po masungit kayo. Idol ko po kayo eh! " it was Andy.

Bachelor's Series 3: TristanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon