He's Azi Montefalco: Chapter 1

620 6 3
                                    

He's Azi Montefalco

Chapter One

I motivated myself to study more. Less than two years na lang naman na at graduate na ako. I will work for five years in a new firm, win major cases, and travel after. Hindi na masamang goal yun. Besides, I have other things to do. Sa ngayon, may online work ako para may pangdagdag gastos ako habang nag-aaral. Ayokong maging utang na loob ko lahat ng bagay kila Padre dahil lang sa kanila nanggagaling ang mga kailangan ko.

Newell was the one who would make me forget about all about the bullshit. He was all I had other than my family. But I ended up having to cut him off because I was fed up with all the excuses.

My train of thought had a halt when my phone rang and it was Rio, agad ko itong sinagot. "Hello, Rio?"

"Hey Ate, kailan ka uuwi?" He asked.

"Why? Di pa tapos klase namin. By next week, finals na namin. And kakatapos lang ng final defense namin nung isang araw." I said and stopped writing.

"Uhmm.. Miss ka na ni Reila. At tumawag kasi sakin si Kuya Azi kagabi."

Nanlaki ang mga mata ko. Memories from that night filled my head.

I blushed. Shit! Napapikit ako ng mariin at pinigilan ang sarili ko sa paghuhurumentado. "Talaga? What did he say?" Pilit kong sinabi iyon sa pinakakaswal na paraang alam ko, buti at gumana.

"Naghiwalay na raw kayo ni Kuya Wels?"

Nawalan ako ng gana bigla sa sinabi niya. "Yes."

"Buti naman. Magtago na sana siya bago ko pa siya masapak." He said with confidence. "At lagot siya kay Padre pag nakita siya nun, baka di siya matansya ni Padre." He let out a big laugh.

"Dapat lang.. Oh sige na, Reico. Nag-aaral si Ate, I'll call you some other time kung kailan ako babalik. Tell Reila I miss her too." Huminga ako ng malalim. The damage was still there. Nasa akin pa rin. I hope Newell gets what he deserve.

I ended the call without hearing another word from my brother. Alam ko namang concern lang sa akin si Rio, pero hindi ko lang talaga kayang pag-usapan pa ang bagay na gusto ko nang kalimutan.

It has been three weeks since that happened. And the bartender was a bastard, hindi na ako babalik sa bar na iyon. Ang taas pa naman ng tip na binigay ko sa kanya.

At kahit na ayokong alalahanin, the feeling was still in me. Gusto kong kalimutan ang gabing yun pero hindi ko magawa. Naaasar lang ako. I'm a smart woman, but he crushed me like I was an easy challenge on him. Nahuli niya agad ako. And I was vulnerable and helpless. I was in need of affection na hindi binigay ng buo sa akin ni Newell.

Pumunta ako ng kama at nagkumot. Nakakapagod mag-isip. Malapit ko naman ng matapos ang reviewer ko pero stressed pa rin ang utak ko dahil sa kanya.

Halos tumalon ang puso ko nang biglang nag-ring ang telepono sa bedside table. Huminga ako ng malalim. Hindi na muna ata ako magkakape, nagiging magugulatin lang ako masyado.

"Hello?" Bungad ko nang pindutin ang speaker.

"Reina..."

Nanlamig ako. Lumalakas ba yung aircon o ano?

"H-Hey.." Bumilis lalo ang pintig ng puso ko.

"Are you still studying? Rio texted me you were studying, baka nakakaabala ako." His voice sounded exhausted. Saan ba siya galing?

"Hindi na, mamaya ko na lang tatapusin yung reviewer ko." Sagot ko at napahinga ng malalim. I bit my lip and clutched my chest, I breathed hard.

No, Reina. This can't be happening. Hindi pwede.

He's Azi MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon