He's Azi Montefalco: Chapter 2

302 2 0
                                    

He's Azi Montefalco

Chapter Two

"Saan mo gustong kumain?" My cousin, Guerrero Lian Rome De Guzman, asked. Classmates kami sa isang subject at pareho ng break time kaya nagsasabay kami. At hindi Rome ang middle name niya, kasama pa iyon sa birth name niya.

Ewan ko ba bakit uso ang mahahabang pangalan sa amin!

"I don't know, L." I shrugged before entering his car, sitting on the shotgun. Bukod sa aming mga pinsan at mga kapatid niyang babae, wala nang ibang nakakaupo dito sa shotgun seat. Kami lang talaga.

"Tapos naman na ang finals, Ate Rin." Sabi nito pagkapasok sa driver's seat. "Nood tayo ng sine."

"Sige, ano bang magandang panoorin?" I asked, he started the engine and we exited from the school grounds. "Showing na ba yung Alice Through The Looking Glass?"

"Pangit yun, Ate. X-Men: Apocalypse na lang. I heard two months daw ginawa yung isang scene ni Quicksilver."

Napailing ako. "Walang masyadong scenes si Hugh Jackman sa movie. Ayoko yun."

"Ano palang papanoorin natin?" He asked.

"We'll see about it mamaya." I said before rummaging his CD stacks na nasa dashboard. At bilang isang tulad na fan kagaya ni Luisa, na kasalukuyang nasa Beijing para sa solo concert ni Taeyeon, most of his CDs were kpop and jpop. Hindi man halata sa seryosong mukha ng isang Guerrero Lian Rome De Guzman na itinuturing na Hitler ng Taekwondo, he's a big fan of EXO, SNSD, Red Velvet, BTS, Super Junior and Infinite. His fanboying is his biggest secret. He's keeping it for his godforsaken image na pinapanatili niya. Yeah, he's a huge egoistic smartass.

I picked his infamous CD na nakapangalang Random Heartbreaks and put it in before closing my eyes.

Unang tumugtog ang Nasayang Lang. Simula pa lang, kinikilabutan na ako.

Sabi mo, ikaw at ako

Bagay tayo sa buong mundo

Ngunit ngayon, nalaman ko

Wala ka na, nasayang lang

Nasayang lang.

"Rin!"

Lumingon ako at napatingin sa baba, namataan si Newell. Hindi ito nakauniporme, nakasuot ito ng puting polo sa loob ng itim na tuxedo niya. Seryoso itong nakatitig sa akin, nakakunot ang noo na malamang ay dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa mukha niya.

Nang napansin ni "Bakit hindi ka naka-uniform?" Tanong ni Luisa saka binato ang Gatorade na kanina pa hawak.

Sinalo ni Newell ang Gatorade. "May performance kami mamaya sa program."

Ngayong gabi nag-iisip

Sa iyo, naiinip

Nagtatanong, bakit 'di mo na pinapansin?

"Talaga? Kakanta kayo o sasayaw?" I asked. I've seen them sing and dance but not at once. Magkaibang event sila kumanta at sumayaw. Kumbaga sa mga kinababaliwang boy groups ni Lulu, si Newell ang main vocals. Magaling siya sumayaw pero yung isa naming classmate ang main dancer nila sa grupo.

"Kakanta kami at sasayaw, we'll do both at the same time." He answered.

Sa araw, nakatanaw

Nahihirapang gumalaw

Nagtatanong, bakit ka nga ba umayaw?

My jaw fell. Gagawin na nila pareho? Oh my! "Galingan niyo, ah? I'll take a video." I said in excitement.

He's Azi MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon