Selos 1.5
Pagdating namin sa beach nakita ko kaagad ang dad ni kathryn, pinuntahan niya kami at nag-usap sila sa mom and dad ko parang nagkakilala na sila noon, hindi ko lang alam. Habang papasok pa ako ay nagulat akong magkasama si David at Kathryn, nakakabadtrip talaga ang David na yan!, kaya tinext ko si kathryn.
"Kath nasa beach na ako, saan kana?"-ako
Kaya agad na umalis si Kathryn kay David at pinuntahan niya ako.
Nagstart na ang celebration nagkantahan na sila ng Happy Birthday song, sobrang happy talaga ni tito sa birthday niya kaya lang afterwards medyo nalungkot siya dahil hindi niya kasama ang kanyang asawa ang mommy ni Kathryn at Kenji.
After dun ay kainan na at habang kumukuha pa lang kami ng pagkain ay biglang lumapit si David saamin at,"Kath sabi ng dad mo gusto mo daw ba na dun sa table niya kumain, nandun din kami kasama si ate Hannah ko at si kuya Kenji"-David
Sana lang humindi si Kathryn, ayaw kong makikita na magkatabi sila.
"Hmmm.. David okay lang ako dito, pakisabi nalang kay dad na dun muna ako sa table nila Sean kakain at pakisabi nadin na i enjoy niya ang big day niya"-Kathryn
Yess, hahaha in your face David!
"Sean? Sino yan?, Kath dun ka nalang kumain, nandun sila lahat hinahanap ka nga ng kuya kenji mo...... kasi."-David
Bigla kong hinarangan si David habang nagsasalita siya kay Kathryn at hinawakan ko din kamay ni Kathryn,
"Ako si Sean, at bakit mo ba pinipilit ang Girlfriend ko na sumama sayo, diba sabi niya okay lang siya dito, kung gusto mo dun ka nalang"
"G....girlfriend!? Alam naba to ni tito?"-David
"Oo alam na kaya please pababayaan mo na si Kathryn ar kumain kana sa table niyo"-Ako
Medyo nahalata ni kathryn na nagagalit ako, at umalis na din sa wakas si David. Tumawa si Kathryn at binulong niya saakin,
"Girlfriend ah?"-Kathryn
"Sorry.. uhmm. Sa totoo lang naiinis lang talaga kasi ako kay David eh, eh ayaw ko naman na pinipilit ang taong mahal ko, kaya sorry talaga"-Ako
"Uyy, wag ka nga magsorry diyan, thankyou nga dahil nandiyan ka palagi para saakin"-Kathryn
Nagtawanan kami pero habang tumatawa siya tinitingnan ko siya at sa pagtingin ko sakanya nagslomo tapos parang siya lang ang tanging nakikita ko at yung mga mata niya parang mga bituin.
Pero nasira na naman ang slomo moments ng biglang lumapit na naman si David namin. Buti nalang hindi nanggulo kay Kathryn.
After namin kumain ng dinner magkasama kami ni kathryn sa isang cottage at ang ganda ng view niya halos lahat ng stars ay makikita mo, Tapos kami lang dalawa magkasama walang david walang istorbo. Habang nakaupo si Kathryn at tinitingnan ang mga stars ay agad kong kinuha ang roses na may teddybear at Ferrero Rocher na chocolate sa bag ko, buti nalang hindi nasira ang roses kasi nasa likod ng sasakyan nila nilagay.
"Uhmm.. Kath?" Pagtingin niya saakin nag smile siya kaagad
"Yes, Sean""Para sayo Kath" binigay ko sakanya at nakikita ko na tuwang-tuwa siya.
"Uyy, wow, ang cute naman nito!"-Kathryn
Agad naman niyang niyakap ang teddybear na medyo hindi malaki.
"Thankyou talaga Sean ah, di mo na dapat to ginawa, baka masanay ako nito."-Kathryn
Tumawa kaming dalawa habang siya naman ay hinug niya ng mahigpit ang teddy bear.

BINABASA MO ANG
Amour Èternel
Roman pour Adolescents" so dive into love Don't hold back And don't give up The life is too short To put up walls And be fearfull LOVE ENDLESSLY" -Cameron Mitchel