"Yes..." Matipid kong sagot.. Ang dami kong gustong itanong sakanya ngayon, pero it's just really our moment kaya ayoko nang masira pa ito..
Habang sumasayaw kami ang laki ng ngiti nya.. Halos mapunit na ang bibig nya eh. Pero naka ramdam ako ng kaba..
Tumingin lang ako sa mga mata nya.. Makikita mo talagang masaya sya eh... Sandali.. Tinatawanan nya ba ko?! Omg!! Tinatawanan nya nga ako?!! Ang init ng pisngi ko. Nakita ko reflection sa sliding door ang itsura ko, omg! Nag b'blush nga ako!! Kaya pala tinatawanan nya na ko dahil muka na kong kamatis? Hala! May balak pa syang gawin akong sawsawan?!
"Don't worry, okay lang kiligin honey.."
"W-What?! What did you call me?!" Gulat kong tanong
"I called you HONEY, honey.. Pedi naman diba?" Nag evil smile pa sya! Siguro, may balak nga sya na gawin akong sawsawan e noh?! Hay! Wag ko na nga lang isipin tong sawsawan thing! Nagugutom lang ako e..
"Hindi pa naman tayo ah. And FYI! Hindi ako kinikilig!!" Pagsagut ko sa tanong nya
Nalungkot nalang sya bigla.. Did I say something wrong? Ganun ba ka big deal na hindi ako kinilig? Hay.. Oo kinilig talaga ako.. Syempre, magpapakipot muna ako noh! Pero nagugutom na talaga akoooo!
"So you didn't like my surprise honey?" Malungkot nyang tanong. Pero pinilit parin nyang ngumiti
"I liked it." Ngumiti ako sakanya
"Come on let's eat, I know your hungry honey"
Kumain lang kami ng kumain.. Kilala nya na ko ng lubusan kaya wala na kaming paguusapan pa.
"Honey, nagustuhan mo ba ang nilutu ko?" Masaya nyang tanong
"Ikaw nag luto nito? Ang sarap!"
"Sige kumain ka lang.. Magpaka busog ka ah"
"Ron, thanks sa surprise chaka sa lahat. You really made my day:)"
"I'm glad I did.. May pupuntahan pa tayo honey kaya, magpahinga ka muna"
Nagpahinga lang kami at nagkwentuhan. Saan kaya kami pupunta? Na c'curious na talaga ako e
"Ron, saan ba tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong magtanong eh.
"You'll see honey, you'll see.." Kinindatan nya ko habang naka ngiti sya
Ngumiti lang rin ako sakanya. Eto nga namang si Ron, ang daming surprises!
Nakaramdam ako ng excitement nung papunta na kami doon.. Madilim at puro halaman.. Nakita ko na may bench sa hindi kalayuan.. Madaming red Christmas lights at mga Red Ballons na heart shaped na katulad ng binigay ng mga lalaki kanina sa canteen pero nakatali nga lang sa bench at poste..
Pinaupo nya ko sa may bench. Magandang tignan ang mga bitwin dito. Makikita mo rin ang bilog na bwan. Sa totoo lang, napaka romantic ng lugar na toh. Bakit kaya ako dinala ni Ron dito?
"Honey?..."
"Oh?"
"Bakit mo ko dinala dito Ron?" Dagdag ko pa.
"Ang ganda dito noh?" Sabi nya
"Oonga!" Pagkamangha kong sinabi..
Nag ikot ang mga mata ko sa paligid.. Ang ganda talaga dito at mahangin pa.
"Alam mo honey.. Dito ako dinadala ni kuya dati.. Sabi nya, sikretong lugar namin toh.. Dito kami naguusap, dito kami nagsasabihan ng problema, dito rin kami umiiyak.. Kapag pumupunta ako dito, naalala ko lahat ng mga nangyari dito samin ni kuya.. Ang mga tawa, mga ngiti, mga luha, mga iyak, mga masasakit at magagandang nangyari saamin. Actually, mga espesyal lang na tao ang mga dinadala ko dito.. Dahil si kuya ang pinaka espesyal na tao saakin. At dahil espesyal kang tao kaya kita dinala dito. Hindi ka lang espesyal para sakin.. Kung hindi, ikaw ang prinsesa ko! Mahal na mahal kita.. Ang sabi ko sa sarili ko, pag dating ng panahon na ginusto na ng tadhana na magkita kami ng babae na mamahalin ko,... Dadalhin ko sya dito at dito ang una naming halik. Diba sabi ko sayo, alam kong darating ang araw na mapapasakin rin yang puso mo?.. At sana, ngayon mo na peding ibigay sakin.."
"Ron..." Hindi ako makapag salita sa mga sinabi nya.. Talaga bang espesyal ako sakanya at mahal nya ko?
Hindi ko na napigilan pang umiyak.. Pero bakit ganito? Sa tuwing titigan ko ang mga mata nya, bumubilis ang tibok ng puso ko? Bakit sa tuwing hinahawakan nya ko, may parang kuryente na dumadaloy sa katawan ko? Bakit kapag pinapakilig nya ko, parang hindi ko maalis sa isip ko? Bakit hinahanap hanap ko sya kapag wala sya sa tabi ko? Bakit gusto kong halikan sya ngayon? Bakit gusto kong mapasakin sya?... Si Aaron? Bakit gusto ko na syang mahalin?
"Baka nga... Baka nga hindi ka pa handa.. Okay lang honey, maghihintay ako. Kakayanin ko, kakayanin ko para sayo kase mahal na mahal kita prinsesa ko." Niyakap nya ko.. Patuloy lang akong umiiyak.. Umiiyak sa tuwa
"Ron..."
Tinignan ko sya sa mga mata nya at nagsimula ng tumibok ang puso ko. Bumaba ang tingin nya sa mga labi ko at ganun rin ako...
Pero bago nya pa akong mahalikan, may sinabi ako sakanya..
"MAHAL NA MAHAL RIN KITA, PRINSIPI KO.."
Unti-unti nang dumikit sa labi ko ang labi nya.. Hindi ko aasahan na ang bestfriend ko, naging boyfriend ko ngayon.. Na hinahalikan ko.. Na saakin lang sya at sakanya lang ako.
Kumawala na kami sa halik. Tingnan ko lang sya at nakatitig rin sya sakin. Niyakap ko lang sya nang napaka higpit.
BINABASA MO ANG
The Red String of Fate
Teen FictionHi I'm Julian I am just a typical popular high school girl with a normal high school life. Naniniwala ako sa isang Myth na 'The Red String of Fate'. According to the Myth, the Gods tie an invisible red string around the little finger of people who...