Chapter 3: We met again part 2

15 3 14
                                    

"C...C???......"

"CJ???"

"Maupo ka dito Julian, anak" masayang sinabi ni mama

"I guess, nagkita na kayo ni CJ..?" Makalmang pagtatanong ni papa

"Yes po tito! We're classmates po" sabay tingin sakin at ngumiti

"Oh, that's nice.. Kelan pa kayo umuwi dito iho?"

"Last week lang po tita"

"So, how's your stay in the Philippines?"

"Okay lang po tita.. Just like before!" Masaya nyang pagkasabi

"May girlfriend ka na ba iho?"

"Baka pedi na si Julian sayo.. Magsabi ka lang ha;)"

Bigla akong nabulunan sa sinabi ni mama...

"Mama naman eh!" Sabay pout

Tumawa naman si CJ ng malakas

"Eh tita, ang payat payat po netong si payatot eh! Lampayatot HAHAHAHA!!!" Grabe ha, hindi naman ako ganun kapayat. Tumaba na nga ako eh! Nakakabingi naman tawa neto!

"May gf na po kasi ako tita kaya hindi po pedi.."

Sino ba yang gf nya ha? Maganda ba yan? Kasing ganda ko ba ha?!...
Wait! Wait! Bakit ko ba iniisip? Wala naman dapat akong pakialam sakanya.

"Ah ganun ba iho, sayang naman. Bagay sana kayo ng anak ko eh."

Kumain lang kami...

Nagkakatama ang mga mata namin ni CJ. Hindi ko alam pero may iba akong nararamdaman kapag tumititig ako sakanya..

Ayshhh!! Aakyat na nga lang ako.

"Ma, aakyat na po ako sa taas. Good night po" pagbasag ko sa katahimikan

"Sige anak. Good night ren"

Pumunta agad ako sa kwarto ko. Humiga ako at chineck ko yung cellphone ko ng biglang mag vibrate...

1 message from: Aaron

      -Bakit hindi ka naglunch kanina? Di ka rin namin nakita sa canteen. Naghihintay pa naman ako sa table natin.

Fvck! Oonga pala magkikita dapat kami ni Ron. Hindi ko sya napuntahan dahil sa CJ na yon! Letche talaga sya!!!

Eh ano kayang idadahilan ko kay Aaron? Uhhmmmm... Ano kaya? Hayyy.. Hindi ko naman peding sabihin yung totoo na, kasama ko si CJ

Maliligo na nga muna ako.

After 10 minutes natapos rin akong maligo

Naka bathrobe ako at naka twalya ang buhok ko. Magbibihis na sana ako ng may biglang bumukas ng pinto...

"AHHH!! MANYAK!!MANYAK!!LUMABAS KA NGA SA KWARTO KO!!! LABAS LABAS!!!"

"Ano b---??" Hindi ko na sya pinatuloy sa sinasabi nya.

"Anong Ano ba?!!!! Tumigil ka nga! Manyak!!"

"Bakit ka pa pala nandito sa bahay namin ha?! Umuwi ka na sainyo. Late na!" Pagrereklamo ko

"Eh dito ako matutulog sabi ng parents mo kaya, dito muna ako." Ah! Nagawa pa nyang tumawa ah! Mabatukan nga tong ulol na toh!

"ARAY!! Ang saket! Para saan yon ha??!"

"Ayaw mo pa kasing umalis sa kwarto ko eh. Kaya kung ayaw mo ng masaktan, umalis ka na dito. Alis! Chupi!"

"Hindi ko alam saan ang kwarto ko kaya, mali napasukan kong kwarto. At Mali ka kasi ng iniisip! Ang GM mo masyado! Pshh. Hindi ka naman sexy para silipan ko e ang payat payat mo lang! At isa pa, baka nga ikaw pa itong may gustong chumansing sakin eh. Chaka wag feeler ha.."

"Ang kapal mo ren e noh?! Ako gusto kang chansingan?! Excuse me, ang pangit pangit naman ng katawan mo. Hindi ka naman gwapo para sabihan ako ng feeler ha! Eto tandaan mo, never kitang chachansingan unggoy!"

"If I know, may gusto ka sakin eh" sabay evil smile

"Asa ka!" *pout*

"Wag aasa ha... Baka masak---"

Magsasalita pa sana ako kaso biglang nagring ang phone ko...

'Aaron Calling '

Sinagut ko agad ang tawag ni Aaron...

" Hello? "

["Bakit wala ka kanina sa canteen Julian?"] nagaalala nyang tanong

"Ah kase... Kase..."

May biglang kumuha ng cellphone ko at sya ang kumausap kay Aaron.

"Sino toh ha?!"

["Hello Julian? Ikaw ba yan?"]

"Hoy Unggoy! Ibigay mo nga yan sakin! Hindi mo ba nakikitang kinakausap ko si Aaron?! Bastos ka talaga eh!"

"Sandali, payatot kakauspin ko pa si Aaron kaya chill ka lang"

["Julian? May kasama kang lalaki?! Nagaalala ako! Kailangan mo ba ng tulong?"]

"Hello sino toh ha?!! Ang late mo ng tumatawag kay Julain! Chaka ako ang kasama nya kaninang lunch.Nalaman mo na yung gusto mong malan so stop fvcking calling her."

["Sino ka ba ha?! Bakit kasama ka ni Julian?"]

"Boyfriend nyako bakit?!" Pagmamayabang nyang sinabi

["Ano?! Boyfriend?!!! Hindi---"]

Kinuha ko agad ang cellphone ko sa kamay ni CJ kaya hindi ko na narinig ang sinabi ni Aaron. Linagay ko na sa tenga ko ang cellphone ko at magsisimula na sanang magsalita kaso pinatay na ni Ron.

Kaya sabra akong magagalit neto kay CJ!!!!

"HOY UNGGOY!!! BAKIT MO GINAWA YON HA?! AT BAKIT MO SINABI KAY RON NA BOYFRIEND KITA?!WALA KANG KARAPATAN KAYA DAPAT HINDI MO SINABI NA GIRLFRIEND MO KO! ANG FEELER FEELER M----

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil ...........

-----------------------
Author's Note:
Si " Unggoy at Payatot" hahahahaha. Ano kayang ginawa ni fafa CJ sakanya?
Eh paano naman si fafa Aaron neto?..
Hay ewan ko ba dito kay Julian! Ang haba haba ng buhok! Ang sarap putilin Hahahaha charot!

~authorrr;)

The Red String of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon