CHPTR IV

3 1 0
                                    



Chapter 4


-----------x------------


"Hindi ko alam na buhay ka pa pala. (^^,) " –Zen


"Hahaha bakit parang gusto mo na akong mamatay? (,^^)>" –Shiro


"Ahm, Mara? Sino sya?" –Eureka


"Ah, si Shiro. Classmate ko." –Ako


"Ahh. Mukhang close sila ni Zen." –Eureka


Hm, mukha ngang close sila. Pero hindi ko inaakalang magkakilala pala silang dalawa. Parang.. ewan ko, parang walang kaibigan dito si Zen at Shiro e. -__- Tska parang ngayon nalang ulit sila nagkita buhat ng mahabang panahon.


"Ah, Shiro, ito nga pala si Eureka. Kaibigan ko. Eureka, si Shiro." Pagpapakilala ko.


"Ah, Hi! Nice to meet you." Nilahad ni Shiro yung kamay nya para makipag-shakehands kay Eureka.


"Nice to meet you too!" Nakipagshakehands sya kay Shiro.


Tumingin ako kay Zen. Tumingin naman din sya saken, saka ngumiti. Sinimangutan ko sya.


"Bakit Mara?" Tanong nito. Aba at nagtanong pa sya kung bakit. -___-


"Mag-usap tayo." Tumayo ako saka sumenyas sa kanyang sundan ako. "Ah, mag-usap muna kayong dalawa dyan Eureka, Shiro may sasabihin lang ako kay Zen."


"Ah, s-sige!" Yung tingin saken ni Eureka parang sinasabi nyang LALAKI-PAREN-TO-MARA-WAG-MO-AKONG-IWAN!-ToT


Naglakad na kami ni Zen palabas ng canteen papunta sa bench. Umupo ako sa bandang dulo, tinabihan nya ako. As in tabing tabi! Ang luwag naming sa bench kailangan isiksik nya pa sarili nya saken. -__-


"Zen! Umusog ka naman!" Pasigaw kong sabi sa kanya.


"Sabi mo mag-uusap tayo diba? Paano kita maririnig kung malayo ako?" Nakangiting pangangatwiran nya.


"Argh!" Tinulak ko nalang sya ng kaunti tutal hindi ko sya makuha sa salita. Napaurong ko naman sya ng kaunti.


"Anong sasabihin mo?" Tanong nya saken.


"Sayong text to diba?" Pinakita ko sa kanya yung text nya kanina. Nung pinapupunta nya akong Building B.


"Oo. Bakit?"


WAAAAH! NAIINIS NA AKO A! BAKIT HINDI SYA MAGPALIWANAG KUNG SA KANYA NAMAN PALA GALING TALAGA YUN TAS HINDI SYA YUNG NAKITA KO SA BUILDING B! >__< ABNORMAL TALAGA TONG LALAKING TO. ALL CAPS!

I'm in-love with you, ZenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon