CHPTR IX

2 0 0
                                    



Chapter 9

--------x--------


"Sana ganito nalang. Sana ganito nalang tayo."


Bigla akong natahimik sa sinabi nya, hindi ako makagalaw, hindi ko alam kung paano ako mag-rereact! Hindi ko alam kung anong ibig nyang sabihin sa sinabi nya..


Pero sa sinabi nyang yun, parang tumigil bigla yung tibok ng puso ko. Huminto ang lahat saken ng sabihin nya yun. Sobrang weird ng pakiramdam ko! Feeling ko ang daming nagliliparan na paru-paru sa tiyan ko..


Dahan-dahan nyang kinalas ang pagkakayakap nya saken.


Nakahawak paren ako sa dibdib ko na tila pinakikiramdaman ko yung tibok ng puso ko.


Unti-unti akong tumingin sa kanya. Nakayuko sya.


Hahawakan ko sana ang braso nya ng bigla syang tumingin saken at ngumiti.



"A-Ah! Mara! Ibig kong sabihin ano.. ahm, sana ganito nalang tayo.. yung ano.. masaya tayo! Diba? Hahaha! Last year na naten sa pagiging highschool to! Kaya dapat sulitin na naten hahaha! Diba?" Nakangiti sya habang sinasabi nya saken to.


Akala ko, ang ibig nyang sabihin sa sana ganito nalang tayo lagi...


"Ah! Hahaha! Oo nga!" Ngumiti din ako sa kanya. "Ano, Zen.. okay lang saka na naten pag-usapan yung tungkol sayo. Kahit kailan mo gusto!"


"Salamat, Mara." –Zen


Tumalikod ako sa kanya. "T-Tara na umuwi na tayo." Naglakad na ako, narinig ko naman na umoo sya saka rin sya naglakad.


Napahawak ulit ako sa dibdib ko.


Bakit ganito yung nararamdaman ko?


Bakit parang bigla syang kumikirot? Yung puso ko?


Umiling-iling ako.


"Nagpapanggap lang kami." Bulong ko sa sarili ko.


Nagpapanggap lang kami pero bakit ganito yung nararamdaman ko sa kanya? Bakit ganito yung nararamdaman ko tuwing kasama ko sya? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Dapat kinaiinisan ko sya, kasi pinilit nya akong maging girlfriend kuno nya! Blackmailing nga yung ginagawa nya e! Kasi kung hindi ko gagawin yung gusto nya.. ipapakita nya sa lahat yung ginawa ko noong second year. At ayokong mapatalsik sa paaralan naming dahil lang sa ginawa ko. Ayoko.


Yun lang ang dahilan kung bakit kami magkasama ngayon, yun lang!


Lahat ng pinapakita nyang kabaitan saken.. parte lang ito ng palabas! Dapat kahit walang nakamasid samen, ganito kami! Para normal na samen kahit nasa school kami. Parang practice kumbaga! Diba? Dapat hindi ako nagpapaapekto sa kung ano man ang kinikilos nya..

I'm in-love with you, ZenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon