CHPTR II

28 1 0
                                    


Chapter 2


---------- x ----------


"Tigilan nyo na ako, nagseselos ang girlfriend ko." Sabay hatak nya saken palayo.


*Dug dug*


"T-Teka! Hind—"


Hawak nya yung kamay ko, habang hatak nya ako. Hindi ko na natapos yung sasabihin ko, tumatakbo kami ngayon papunta sa likod ng Building A. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagpupumiglas o kung ano. Sumama ako sa kanya. Hingal na hingal ako ng makarating kami sa likod.


Nang mahimasmasan ako.



"ANONG KALOKOHAN YON?!" Sigaw ko sa kanya. Tinakpan nya yung bibig ko.


EHHHHH! >//<


"Shh, faculty building to. Baka marinig ka. Pareho tayong mapapagalitan kapag nakita nila tayo dito. " Sinimangutan ko sya saka ako nag-nod. Tinanggal nya yung kamay nya sa pagkakatakip sa bibig ko.

"Anong meron? Bakit umiiyak si Sofia kanina? Bakit mo sinabing girlfriend mo ako? Bakit hinila mo ako palayo kasama mo?" Mahina pero pagalit kong tanong sa kanya. Nagpupunas sya ng pawis nya ngayon habang nakaupo sa gilid ko habang nakasandal.

Pinagmasdan ko sya, ang.. cool at hot nyang tignan sa pwesto nya ngayon. Idagdag mo pang nakajacket sya at nakataas pa ang hood nya. Tapos, yung mukha nya... hindi mo mapagkakamalang may mapapaiyak na babae.. good boy ang itsura nya. Matangos ang ilong, kulay brown ang mata, maputi, matangkad, at medyo chinito.. DJKASJDLKAJSLFKJALEKRDF! THE FUDGE!

Iniling iling ko yung ulo ko saka pinagsusuntok. MARA TANGA KA BA?! WAG KANG TANGA MARA! WAG MO SYANG IINSPECT! >___<


"Anong ginagawa mo?" Tanong nya saken ng makita nyang pinagsususuntok ko yung ulo ko.


"Pinapatay ko sarili ko." Sarcastic kong sabi sa kanya. "Sagutin mo mga tanong ko!"


Natapos na syang magpunas ng pawis nya, pumunta sya sa harap ko.


"Wag kang lumapit masyado, may allergy ako sa lalaki." Saka ko inextend ang kamay ko paharap. Napakamot sya ng batok saka sya lumayo. "Magsalita ka na, nakikinig ako. Pero hindi ko ito papalampasin." Mapanakot kong sabi sa kanya.

"Okay." –Sya

"Dalian mo na may naghihintay saken!" Pagalit kong sabi sa kanya. Sumenyas naman sya na parang may hinihinaang volume ng speaker, meaning hinaan ko boses ko. Tsk.

"Umiiyak yung babae kanina, kasi kasalanan nya."

"Huh?! Panong naging kasalanan nya? Eh ikaw nagpaiyak sa kanya?!"

"Ako? Sinabi ko lang naman na ayoko sa kanya..."


Eh? Nanlaki ng bahagya ang mata ko, teka.. yung kanina ba.. confession ang nanyari?

I'm in-love with you, ZenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon