CHPTR X

2 0 0
                                    


Chapter 10

---------------x--------------


"Make him fall for him instead.." Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad paakyat ng room.


Argh! Ang hirap naman ng ganito! >_< Bakit ko naman gagawin yung ganitong bagay? Malinaw na nga diba? Ayaw nya saken, sinabihan na nga nya akong wag akong mahuhulog sa kanya kahit na anong manyari e! Pero nakakainis kasi e... ano bang dahilan talaga bakit nya sinabi saken yun? Sa tingin nya ba nung mga panahon na yun na magkasama kaming kumain.. may gusto na talaga ako sa kanya for real?


"Hays asar!" Saka ko pa ginulo-gulo yung buhok ko.



"Sinong nakakaasar?"


"ANAKNGTINAPA MO KA!" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa harapan ko. At muntik ko naren syang mabunggo! Hays Mara! Nitong mga nakaraang araw ganyan ka na! >_<


Napatingin ako sa kung sino yung nagsalita.


Si..


"Z-Zen? Uy!" Yumuko ako. Ayst! Maga yung mata ko tska ang laki ng eyebags ko ngayong araw, ayokong makita nya! >_< Anakngtinapa naman talaga o! Sa lahat naman ng makakasalubong ko, sya pa! Sya pa na dahilan kung bakit ako wala sa sarili ngayon. T_T


"Hindi ka na naman tumitingin sa dinadaanan mo."


"Ah, He-he. Sige na pupunta na akong room." Nakayuko kong sabi sa kanya. Ayokong tumingin, ayoko.


Naglakad na ako palayo sa kanya, napatigil ako ng hinawakan nya yung braso ko.


"Mara, wait lang." Humarap sya saken, habang ako nakayuko paren. Sumisilip-silip nalang ako para makita yung mukha nya.


"B-Bakit?"


"May sakit ka ba? Parang wala ka sa sarili mo ngayon?" Saka nya pa hinawakan yung noo ko. Agad ko namang tinanggal yung kamay nya sa noo ko.


"Okay lang ako Zen, puyat lang kasi nag-aral ako." Pagpapaliwanag ko.


"Ganun ba?" –Zen


Tumango-tango ako.


"Hm? Bakit ayaw mong tumingin saken?" Hinawakan nya yung baba ko saka iniangat ng kaunti, sapat lang para makita nya yung mukha ko.


"Woah! Anong nanyari sa'yo? Grabeng puyat yung ginawa mo a?" Tanong nya saken habang nakatingin paren sa akin.


Hays. Nasa harap ko na naman sya, si Zen. Lumalakas na naman yung kabog ng dibdib ko. The fact na nag-aalala na naman sya saken, e hindi nya alam kasalanan nya kung bakit ako nagkaganito. ZEN HINDI MO AKO PINATULOG KAKAISIP SAYO YUN ANG DAHILAN BAKIT GANYAN YANG MATA KO! >_<

I'm in-love with you, ZenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon