"Oh bayad bayad oh!! Sige tatlo pa sa kanan dalawa sa kaliwa.."
Haayy.. Tama ang hinala niyo.. Nakasakay ako sa jeep ngayon.. Kung kelan naman kasi ako nagmamadali tsaka pa nasiraan yung kotse ko.. Kanina pa ko nag aabang ng taxi pero walang dumadaan.. Pano nga naman may dadaan eh nasa gitna ako ng palengke.. Hayy nako Patti kaht kelan ka talaga..
"Makikiusog lang oh! Dalawa pa sa kanan." Sigaw ng barker sa jeep..
Tiningnan ko isa isa ang mga pasahero sa jeep.. Bakas ang pagod at hirap sa mga mukha nila.. Nakadama ako ng awa sa kanila.. Hndi ko alam na sa kabila ng masaganang buhay na ipinaranas sa akin ng aking mga magulang.. Ayy may mga tao pa dn palang dumadanas ng hirap.. Mga taong nagtitiis ng init ng araw na malayang pumapaso sa kani kanilang mga balat.. pinaghalo halong amoy ng mabahong lansangan.. Kalbaryong dinadanas nila sa pakikipagsiksikin sa palengke makauwi lang sa mga pamilya nilang nangangalab ang sikmura.. Sa totoo lang ngayon ko lang nakita ang katotohanan.. At naiinis akong isipin na naghihirap sila dahil sa mga taong nakaupo.. Mga taong ganid sa yaman at kapangyarihan.. Mga taong nagbubulag bulagan sa totoong kalagayan ng ating bansa..
"Ano?! Isa pa dito? San mo naman iuupo ang isang yon? Ehh halos kalahati na nga ng puwit ko ang nakaupo eh!" Galit na galit na sigaw ng babaeng katabi ko na nagpabalik sa akin sa katinuan..
"Misis sampuan ho ang upuan ng jeep na ito.. Walo pa lang ho kayo dyan.. Tsaka ang laki ho kasi ng katabi ninyo eh" pauyam na sagot nung barker.. Na halata mong saakin nagpapatungkol..
Napansin kong lahat ng pasahero sa jeep ay nakatingin sa akin.. Yung iba nagpipigil ng tawa, yung iba naman nakatingin ng mapanghusga.. Dahan dahan akong yumuko para itago ang hiya ko..
"Kuya grabe naman kayo sa kanya.. Babae pa dn naman sya.. Pangit ka na nga, pangit pa ugali mo." Narinig kong sabad ng isang lalaki na nasa pinakadulo malapit sa babaan..
Bahagyang natameme yung barker ng jeep.. Sa pagkakataong yon napatingin ako sa lalaki.. Nagtama ang paningin namin dahil nakatingin din siya sa kin.. Maya-maya pa'y ngumiti siya sakin.. Bglang nagliwanag ang paligid.. Nawala yung mga taong kanina lang ay pumupuno sa jeep.. Pakiramdam ko ilang segundong tumigil sa pagtibok yung puso ko..
"Para" sigaw ng matandang babae sa tabi ko. Kasabay niyang bumaba ang dalawang babae na pumapagitan saamin nung knight in shining armour ko patti ang assuming mo.. Feeling mo naman magkakagusto sayo yan.. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa isiping iyon.. Kaya nag iwas ako ng tingin at pumaling sa may bintana..
"Kuya sa tabi lang ho"
"Para po"Sabay na sigaw ng dalawa pang pasahero.. Dalawa silang nagpara pero lima ang bumaba.. Napansin kong malayo layo pa ko kaya pumaling na lang ako ulit sa may bintana..
"Hi" ang tinig na yon ang nakapagpalingon sa akin sa tabi ko.. Nakita ko yung lalaking nagtanggol sa akin kanina.. Pero this time masyado na siyang malapit.. Mygosh ang gwapo niya.. Grabe!!!! Tili ko sa isip ko.. Dun ako nagkatsansang tingnan siyang mabuti.. Grabe talaga kamukha niya si Luis Manzano na may Daniel Padilla.. Di niyo magets noh? Ako din eh.. Haha.. Basta ang gwapo niya!!!!
"Baka naman matunaw ako niyan" pabirong sabi niya at sinabayan nya ng ngiti..
Ang gwapo niya talaga! Waahh!!! Pakiramdam ko nababaliw na ko..
"Ahh.. Ehh.. P-pasensya na.." Oh my God patti.. Ano yon?! What's happening to you?! Segunda agad ng utak kong animo nagsesermon sa loob ng sistema ko..
"Ma para ho!" Sigaw niya si driver.. "Una na ko ha. Ingat ka." Baling nya sakin kasabay ng pagka tamis tamis na ngiti..
"S-sige. S-salamat ulit ha.." Ngani ngani ko ng batukan yung sarili ko.. Bakit ba ko nauutal?!! Hayy.. Ano ba yan..
Ng mapansin kong lumagpas na kami sa subdivision kung saan dapat ay kanina pa ko bumaba..
"Ayy manong para ho!" Maagap kong sigaw sa driver.. Iminuestra niya ang jeep dahilan para gumilid ito.. Nang tumigil ang jeep ay bumaba na din ako..
BINABASA MO ANG
Ang Lumba-lumbang Apo Ni Lola
RandomSabi nila when a man loves you at your worst.. He deserves the best.. Ehh may magmahal pa kaya sakin kahit ganito ang itsura ko? I wish I can find the man that will be my motivation to do my best.. To be the best.. Pero sa mundong ito? Sa panahon n...