Chapter 2

19 1 0
                                    

Pagbaba ko ng tricycle tinanong ko agad sa tricycle driver kung magkano..

"30 pesos po" sagot ng driver

"Ano? Kuya bat ang mahal naman yata.. Napakalapit lang nito oh.." Hndi naman sa kuripot ako pero hndi rin naman ako tanga.. In fact I graduated Industrial engineering at di naman sa pagmamayabang pero Suma Cum Laude ako.. I even top the board exam.. Last year.. And now I am currently working in a prestigious company that offers me a salary that can buy me a house in just months.. Tapos ngayon gugulangan ako nitong tricycle driver na to..

"Ehh nung sumakay ho kasi kayo sa loob wala na hong makasakay eh.. Ehh maam tatluhan po yun ehh.."

Saang lupalop kaya ng mundo walang diskriminasyon? Yung tipong lahat ng tao katanggap tanggap... Dito kasi sa bansa natin kapag mataba ka mas tampulan ka ng tukso.. Mapa matanda mapa bata lahat inaasar ka.. Mabuti pa nga yung nga gay, lesbian, trans, bi.. Kaht papano unti unti na silang natatanggap ng mapanghusgang lipunan na to.. Well kaht ano namang gawin natin may masasabi at masasabi pa rin ang mga tao... Nasasaiyo na lang kung hahayaan mo silang ilubog ka o di mo na lang sila papansinin to continue on your journey.. Para sakin basta masaya ka gawin mo.. Basta hndi ka nananakit ng iba..

Para matahimik na yung driver nagbayad ako.. Inisip ko na lang na baka matindi talaga ang pangangailangan niya..

Bago ako pumasok pinagmasdan kong mabuti ang paligid.. Napakaganda at napakalinis pa rin tingnan.. Bagamat medyo luma na ang disenyo ng bahah ay nagmukha pa rin itong bagong pagawa.. Gawa sa mga mamahaling materyales ang bahay... Ang mismong Lolo ko ang nagdesenyo ng bahay na iyon.. Kaya bata pa lang ako hinahangaan ko na ang lolo ko sa angkin niyang galing.. Pagpasok ko pa lang ng gate sinalubong na ako ni Nana Cora.. Si Nana Cora ang isa sa pinakamatagal na nagserbisyo sa angkan nila Lola Victoria..

"Nana Cora! Kamusta na ho kayo? Pabata kayo ng pabata ah.." Ilang taon ko ring hindi nakasama si Nana Cora simula nung Mag-aral ako ng kolehiyo sa maynila.. Bagamat nasa otsenta na ang edad ay malakas pa rin ito mukha lang itong nasa singkwenta anyos..

"Talaga tong batang ito oh.. Ang hilig mambola.. Oh siya tayo na sa loob at kanina ka pa inaantay ng iyong abuela.." Anito na halatang halata ang pagkasabik ng makita ako ..

Sumunod na ako sa pagpasok.. Habang papasok sa napakalaking front door hndi ko maiwasang mamangha sa laki ng bahay ni Lola.. Hndi ko pa to masyadong naaappreciate nung bata pa ko.. Dahil madalas dn naman akong wala sa bahay.. Napakaganda pala ng interior ng bahay na ito.. Ang buong sahig ay gawa sa mamahaling marmol.. Ang mga kisame na halatang pinag gastusan ng malaki..

"Patricia, apo!!" Napalingon ako sa itaas ng marinig ko ang pagtawg na iyon ni lola..

Ako nga pala si Patricia Diane Geromo Villaruel ang nag-iisang anak nina Patrick Villaruel at Diana Geromo-Villaruel.. Ang aking papa ang kaisa isang anak ni Lola Victoria Costales-Villaruel mula sa yumao nitong asawa..

Nang makita kong pababa na si Lola ay sinalubong ko siya ng yakap at pinupog ng halik.. "Oh I've missed you lola"

"I miss you too apo.." tumagal pa ng ilang minuto bago kumalas si lola sa yakap namin.. "Oh come with me apo.. We have a lot of catching up to do.." Sabi ni lola at nagmamadali akong hinila papunta sa garden ... Nagpatianod na lang ako habang natatawa kay lola..

Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang isang bulto ng lalaki na medyo pamilyar na nasa garden at kausap ang hardinero naming si Mang Ernie.. Lalapit sana ako don ng tawagin ako ni lola..

"Patricia, apo.. Come here.. May ipapakita ako sa'yo"

Ng papatalikod na ako'y bglang humarap ang lalaki at ngtama ang aming paningin.. Sabay pa kaming nagulat ng makilala ang isa't isa..

Nang makabawi sa pagkabigla ay ngumti ako sa kanya at sumenyas na pupuntahan ko lang si lola.. Agad naman siyang tumango at ngumiti..

Nang makalapit ako kay lola ay napatingin ako sa buong paligid.. Para kong nasa paraiso.. Napakadaming bulaklak na iba ibang kulay .. Ang daming paro-paro sa paligid.. May maliit na fountain na gawa sa simento atbahagyang nilulumot na na nakapwesto sa gitna ng garden. Nagbigay iyon ng kakaibang ambiance sa garden.. Ang bango sa garden .. Amoy fresh..

"This is Patricia's paradise, your pradise apo.. Pinagawa ko ito para sa iyo.. Nakikita mo ba iyon" ani lola habang itnuturo ang napakalaki at napakagandang duyan sa may gawing kanan... "Ang ganda lola" di ko napigilang maibulalas..

Inilibot ako ni lola sa buong garden.. "Alam mo apo, ang mga tao ay parang bulaklak. Magkakaiba man ito ng hugis, kulay, amoy o laki.. Hindi pa rin nagbabago yung katotohanan na lahat tayo magaganda.. Lahat may tinatagong uniqueness.."

Lola really knows the best.....

---

A/n: hi guys. Pasukan na.. I'll try to update every week 😘 salamat sa support guys..

Keep reading and voting 😊✌

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Lumba-lumbang Apo Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon