Chapter 7
Back to reality, back to school, nakabalik na rin ako sa bahay. Hindi naman ako pinagalitan ni Daddy dahil alam ko namang malalaman at malalaman din niya kung saan ako napupunta. I don't give a damn kung magalit man siya. Nakabalik na ko ng Pilipinas, ibig sabihin, I'm back to being Queen. Ganun padin ang school, ang kapal ng mukha nila, wala man lang silang Welcome Party.
Napadaan din ako sa hallway na pina-renovate ko, naalala ko nanaman kung bakit ko pina-ayos yun. Pero mas naalala ko yung paper ko kay Seth.
Seth, kelan ka ba babalik?
Napabuntong hininga ako at huminto sa paglalakad. I observed the people around me. May sari-sarili silang pinagkakaabalahan. Aba! Hindi man lang napapansin ang presensya ko! Kung nandito lang si Seth aasarin ako ng aasarin nun.
Hay, Seth nanaman.
"Excuse me, nasaan po yung library?" napatingin ako sa kumalabit sa akin. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Excuse me?" balik ko sa kaniya. A chubby short haired girl smiled at me, yung mata niya natatabunan ng makakapal na salamin. Hindi siya natitinag sa mga tingin ko. Tao ba 'to?
"tinatanong ko po kung nasaan yung library." Ngiti parin niya. Tinaasan ko siya ng kilay
"mukha ba kong information desk? Tsaka sino ka ba?"
"ay oo nga pala, Ako si Jean Rose Paloma, you can call me Jean, ang baho na kasi nung iba" tawa niya. Like I care. "not interested" Tinalikuran ko lang siya at pinagpatuloy maglakad.
"nasaan kasi yung library?" ang kulit!
"Pumunta ka sa information desk, they'll answer your stupid question dumb ass"
"eh bakit pa ko pupunta sa information desk kung nandyan ka naman! Hindi ko nga alam kug nasan yung info desk eh kaya itatanong ko nalang sayo, mukha ka naming student dito, kaya ikaw nalang tatanungin ko!" I was dumbfounded, hindi niya yata ako kilala.
"kilala mo ba yung kausap mo?" nag-iinit na yung dugo ko dito.
"Hindi, wag ka nang ano dyan! Samahan mo na ako! Saan ba?" sabay higit niya sa akin. Wala na kong nagawa, para lang matapos na 'to. Habang tinatahak namin ang daan papuntang library, pinagtitinginan kami ng mga ibang students. Naririnig ko pang pinagbubulungan nila kami.
Hala, friends sila?
Tibay ni girl ah
Hala totoo ba 'to?
Good luck kay girl!
"ano nga palang pangalan mo?" tignan mo to, sumasama sa hindi niya kilala. Tss sa akin pa nanggaling. Hay Seth.
"Queen Yngrid Sandoval" tipid kong sabi.
"OMG! LEGIT?" para siyang nakakita ng multo na ewan. Hindi naman na bago sa akin yun. "wait lang wait lang!!!! PICTURE TAYO!!!!" nilabas niya yung phone niya mumurahin pero may camera at itinapat sa amin. Pinagtitinginan kami lalo. "OMG FAN NA FAN MO KO JUSKO! KINUKWENTO KA SA AKIN NG PINSAN KO! MODEL KA DIN DIBA? "
"akala ko ba fan ka? Ba't di mo ko nakilala?"
"eh kasi, puro kwento lang ang nakukuha ko sa pinsan ko, ayun sobrang saya ng kwento niya tungkol sayo, hanggang sa magustuhan kita kahit di ko pa nakikita. Nakita ka na ng pinsan ko, totoo nga yung sinabi niya! Ang ganda mo!" nakita? Baka sa sa bar lang. napa-isip ako sa sinabi niya. Nagustuhan niya a ko kahit di pa niya ko nakikita, nakita ko naman sa mata niya na sincere siya. It somehow touched my heart.