Chapter 8

9 1 3
                                    


Chapter 8

Nakabusangot na lumabas si Yngrid sa University. Pagod na pagod siya dahil hindi pa nila tapos ni Jean yung mga requirements na binigay sa kaniya ni Ma'am Z. Ang dami pa niyang gagawin. Isipin palang niya gusto na niyang magpakamatay.

Pinagtitinginan pa siya nung mga studyante, mybe they were shocked kasi sobrang ibang-iba ang suot niya ngayon, sino bang may kasalanan? Syempre si jean.

Flashback

"HOY!" Tinusok siya ni Jean ng hawak nitong ballpen. "baka akalain mong libre 'tong pinaggagawa ko!"

Agad namang kinuha ni Yngrid ang kaniyang wallet sa bag niya at kumuha ng ilang cash ngunit pinigilan siya ni Jean.

"HEP HEP HEP! Ayaw ko niyan"

"eh anong gusto mo?" napaisip naman ang kaibigan, tinignan siya ni Jean mula ulo hanggang paa katulad nung pagtingin sa kaniya ni Yngrid nung una silang Makita pero mas nakakatawa yung itsura niya.

"palagi ka bang naka-heels pag pasok?"

"oo, bakit?"

"alam ko na! muhahaha" tinignan lang ni Yngrid ang nababaliw niyang kaibigan

"Tara dali! Dalhin mo ako sa closet mo, dali! Up up stand up!"

"baliw na talaga 'to" sabi nalang ni Yngrid.

Nang makarating sila sa walk-in closet nito, napanganga na lamang siya.

"unbelievable! Asan ang mga saleslady? Ay wala pala ako sa mall" okay exaggerated lang siya pero, kasing laki ng library nila yung closet ng kaibigan niya.

"bilis kumuha ka na ng gusto mo dyan, ang dami pa nating gagawin o" pero mali ang iniisip ni Yngrid. Kahit na signature clothes ang mga nakikita niya, wala siyang gusto rito. Gusto lang naman niya tulungan ang kaibigan.

"haha! Wala akong kukunin dyan baliw! Turo mo kung saan yung mga t-shirt at pants mo tapos turo mo sa akin yung mga sapatos mong walang takong oki!" sunod sunod na sabi nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bitch Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon