AMIEL's Point of view
Nagising ako na parang may tumutusok tusok sa mukha ko. Kaya pagmulat ko ng mata ay nagulat pa ako na ang nakangising si Koji ang bumungad sa akin.
"PAPA! MAMA! Gising na tito Amiel!" biglang sigaw nito saka bumaling sakin. "Tito ano panaginip mo?"
Huh? Ano daw? Teka?! Anong ginagawa ko dito?
Agad akong bumalikwas ng bangon. Sa sofa pala ako nakahiga.
"Panaginip? Hindi ko matandaan eh? Bakit? Teka! Pahug naman si Tito." ani ko sa bata,ngumiti naman ito niyakap ako.
"Baho mo tito!" anito at kumalas sa pagkakayakap.
"Mabuti at gising ka na?" nilingon ko ito. Si Lyle pala,naka apron pa. Mukha talagang babae ang isang to,ang swerte ni Kellan.
"Pano ako napunta dito?" taka kong tanong. Biglang sumulpot si Kellan mula sa kung saan,tumakbo papunta sa kanya si Koji.
"Dinala ka dito ni Kyroo,maligo at magsipilyo ka na,may damit na nakapatong sa kama namin at may extrang sipilyo sa banyo. Dalian mo,may pag uusapan tayo." ani Kellan. Tumayo ako pero napa-upo ulit dahil bigla akong nahilo at sumakit ang ulo ko. "Lakas ng tama ng doomsday no? Sige na dalian mo na,kakain pa tayo."
Papaano nya nalaman yon? Kahit nagtataka ako kung bakit ay tinungo ko na ang cr dito sa unit ni Lyle.
Habang naliligo ay hindi ko maiwasang mag isip. Nalasing ako ng sobra kagabi. Kung bakit kasi nagpakalasing ako? Haay,dahil bigo ako kay Kyroo,hindi nya ako pinili,si Javed ang pinili nya. Ang huli ko pang natatandaan ay kausap ko sya sa cellphone bago ako nakatulog. Ibig sabihin,pinuntahan nya ako doon at dinala dito? Bakit hindi nya ako sa bahay iniuwi? Bakit hindi nya ako hinintay na magising?
Ng matapos maligo ay dumeretso ako sa kwarto nina Kellan,nasa ibabaw nga ng kama ang damit. Nagbihis na ako at lumabas,nasa hapag na ang pamilya kaya naupo na din ako.
Nagsimula na kaming mag agahan ng magsimula na din silang mag interogate. Pambihira lang,parang mga wala din problema.
"Sobrang naglasing ka pala,nag away ba kayo ng dyowa mo?" ani Lyle habang sinusubuan si Koji.
"Hindi ko sya dyowa. Hiwalay na kami. Si Javed ang dyowa nya." mapait kong sabi. Ang sakit pa din sa dibdib. Lintik na yan!
"Kaya pala sabi ni Kyroo galit ka daw sa kanya. Anong nangyayari sa inyo? Hindi ako sanay na ganyan kayo." sabi naman ni Kellan.
"Nadinig ko sila sa Cr,nag uusap,ipinakilala ni Javed sa mga magulang nya si Kyroo as his boyfriend. Pinapili ko sya,he didnt answer,that means,nahihirapan sya,ibig sabihin si Javed ang pinili nya." ang inis kong sabi. Punyeta naman,ngayon nga lang ako nagmahal,sa bestfriend ko pang lalaki,at malala pa dun,he didnt choose me,kay inam diba?
"Baka may rason naman? Try to sort it out. Mag usap kayo ni Kyroo,hindi yung ganyan." ani Lyle at nilagyan ng ulam ang plato ko. Napabuntong hininga ako,kelan kaya magiging ganito sakin si Kyroo? I guess,imposible ng mangyari yon.
"Ayoko na. Kung kailan handa na akong ipagsigawan sa lahat na mahal ko sya,saka nagkaganon?"
"Youre such an idiot. Huwag kang umarte Amiel! Mag usap kayo,nagsisimula palang kayo pero puro ka artehan na kayo. Tulad ng sabi ni mahal,try to sort out whats the reason,find it out,alam naming naiipit lamang si Kyroo. You know him better than we know him. Ayoko ng may hindi pagkaka unawan sa ating apat,hindi tayo ganyan,weve been bestfriends for quite a long time,at dahil lang sa misunderstanding magkakasira kayong dalawa? What are you thinking?" mahabang sabi ni Kellan. Napanganga ako,sa aming apat nina Oli,ako,Kyroo at sya,ay sya ang pinaka nakakatakot pag nagalit.
BINABASA MO ANG
I Heart You Tol! - HDAB Side story - (BoyXboy) COMPLETED
Fiksi UmumBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI ~ Side story of AMIEL and KYROO from HE's DATING A BEKI. Alamin ang makulit na buhay pag ibig nila. NOTE: This is a short story, 10-15 chapters lamang po :)