Final Chapter!

11.5K 245 38
                                    

KYROO's Point of view

Pinagmasdan ko si Amiel mula dito sa pwesto ko. Umiinom na agad sya? Mukhang hindi pa sya kumakain eh. Haay! Bahala na nga.

Dahan dahan na akong naglakad papunta sa kanya ng may isang babaeng lumapit,sinadya pa nitong idikit ang dibdib nya sa kanang braso ni Amiel. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita,tapos nginitian pa ni Amiel yung babae. Parang may sumabog na bulkang mayon sa ulo ko ng yumuko ang babae at halikan si Amiel. Wala pa atang sampung segundo ay nakalapit na ako sa dalawa at hinila si Amiel.

"The fuck? Who are you?" sabi nung babae. Si Amiel naman ay gulat na gulat pa din.

"Excuse me Miss,pero mag uusap pa kami ng boyfriend ko." sabay hila kay Amiel na naging sunod sunuran dahil sa pagkagulat.

"Anong ginawa mo? Bakit ka nandito?" pag pumiglas nya ng nasa labas na kami ng bar.

"Sinusundo ka. Lets talk tol."

"Hindi kita kilala." matigas na sabi nito saka lumingon sa ibang direksyon.

"Huh? Tigilan mo nga yan! Tar mag usap ng matino." sabi ko at pinamewangan sya.

"I dont talk to strangers!"

"Gago ka! Huwag mo akong pikunin tol! Babasagin ko esophagus mo!"

"Who you?"

"Letse ka! Hindi ka naman na aksidente para magka amnesia,tarang mag usap ng matino." at kinaladkad ko sya papasok sa front seat ng kotse ko. Nahirapan pa ako dahil nagmamatigas talaga sya.

"San mo ako dadalhin manong?" anito ng ma start ko na ang makina ng kotse ko.

"Huwag mo akong ululin tol. Malapit na akong mapikon,gusto kong magka ayos na tayo." sagot ko habang nagmamaneho. Kung saan papunta,hindi ko alam,basta gusto kong magkasarilinan kami.

"Hindi kita papakinggan,wala tayong dapat pag usapan,I dont know you."

"Sige! Hindi tayo mag uusap! Mag se-sex tayo!" singhal ko sa kanya na ikinalaki ng mga mata nya. Nanahimik sya,samantalang nagpatuloy ako sa pagmamaneho.

"Hindi ako makikipag sex sayo." pagkuway sabi ni Amiel pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Wala ka ng magagawa" nakangisi kong sabi. Natatawa na lang ako sa inaasta nya. Ganyan sya kahit nung bata pa kami. Pag sobrang tampo nya ganyan ang inaakto nya.

Tinigil ko ang kotse sa isang park. Kilala ang park na ito dahil madami ng nabuong pag iibigan dito.

"Tara kumain muna ng kwek kwek bago mag usap." ani ko. Pagkasabi ko pa lang ay nauna na syang bumaba at tinungo agad yung tindero. Nakangiting sinundan ko na lamang sya.

"Manong lima nitong squidballs at lima ding kwek kwek,pati dalawang gulaman." aniya sa tindero. Ng matapos ay binigay nya sa akin ang squidballs at gulaman. Niyaya ko sya sa isang bench.

Tahimik kaming kumakain at pinagmamasdan ko lamang ang paligid. May mga magtotropa,may couples at may mga nagsosolo.

"Sabihin mo na gusto mong sabihin." aniya. Inubos ko muna ang mga squidballs at gulaman.

"Pasensya na tol kung lagi kitang nasasaktan. Naging insensitive ako. Nagpadala ako kay Javed at sa mga kasinungalingan nya." panimula ko pero hindi ko pa sya tinitingnan.

"I knew it. Sinungaling talaga ang isang yon."

"Kung ano man ang kasinungaling ginawa nya para mapasakanya ako ay tapos na. Tinapos ko na ang lahat sa amin. Hindi na ako makakapayag kasi na masaktan ka na naman dahil sa akin. Kinausap ko sya ng maayos. Wala naman syang nagawa,dahil una pa lang,alam naman nyang ikaw ang mahal ko. Napatawad ko na sya,nagmahal lang din naman sya,kaso sa maling paraan nya ginawa at sa maling tao." dagdag ko pa. This time,tiningnan ko na sya,nakatingin sya sa akin.

I Heart You Tol! - HDAB Side story - (BoyXboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon