Edi ayon, pinakilala niya yung sarili niya sa akin. Tinaasan ko lang ng kilay. Napakabwisit. Nilayasan ko nga.
"Uy, Miss. Ano pangalan mo?"- Nars Ryan
"EDI ALAMIN MO!? HINDI KO NAMAN TINATANONG KUNG ANONG PANGALAN MO EH! WAG MO KO KAUSAPIN!"- sabi ko.
Dahil nakasigaw ako, napatingin sa amin yung mga tao. Kaya umalis na ako pumunta ako ng gate.
"Manong sasakay ho ako. Villa Gumamela po."
"Nako ineng bawal ka sumakay baka ma flat yung tricycle ko." sagot ng tricycle driver sa akin.
Aba, letseng driver na toh.
"Edi wag. Kawalan ko? Magutom sana pamilya mo!"
Naglakad na ako ng palayo. Yan. Yan ang madalas naming nararamdaman. Masakit kaya.
Minsan nakakapagod mag tanggol para sa sarili ko.
Hindi pa nga pala ako mag papakilala. Dahil sa patuloy niyong pag babasa ng kwento ko, malamang hindi ninyo naman mababasa itong kwento ko kung hindi kayo nag babasa right? PERO, pag pinakilala ko yung sarili ko sa inyo wag ninyo sasabihin kay Nars Gago, neh?
Ako si Ma. Kathrene Lim y Bonieta. 4th year highschool. No friends kakawala lang nung Tuesday. Uhm. Ano pa ba. Mataba alam ko na yun at alam niyo na din kaya wag tanga ha? Ayoko kasi ng paulit ulit. Bitch please!
Nag lalakad ako sa kanto sasakay na lang ako ng jeep. Mayaman kami kaso masyado akong down to Earth kaya naman wala akong service. Basta, LEGAL yung business namin. Saka ko na sasabihin maybe sa Chapter 4 o 44. Haha dipende. Wala naman kasi akong plano pa sa buhay.
Sumakay na ako sa jeep.
"Ate, pa abot naman po ako ng bayad ko. Salamat ho"
PERO hindi ako pinapansin muka akong tanga. Putsa.
"Ay, kuya. Ikaw na nga lang"
Hindi pa din ako pinansin. Ano akala nila sa pera ko madumi oo lahat ng pera madumi, nandiri pa sila.
"Ay pota! Manong catch MO nalang bayad ko ayaw nila ibigay sayo ehh."
"Paki abot naman ho yung bayad dito sa harap."
At ayon nag bayad na ako.
"Kesikip sikip naman!" Reklamo ng babaeng katabi ko sabay tingin sa akin
"Miss anong problema mo sakin? Buti ka nga yang buong pwet mo ang nakalapat sa upuan eh. Ako nga yung kuyukot ko nalang yung naka lapat sa upuan eh. Isa pa, alam mong public vehicle toh, bakit ka sumasakay ka dito?
Ayon natahimik yung babae. Pumara na ko at nag lakad pa ng kaunti.
Pag kauwi ko sa bahay, naka handa na ang meryenda ko sa garden. Pero nag palit muna ako ng pambahay.
3 plates of lasagna ang meryenda ko ngayon and 2 taro milktea na binili sa BeauTEAful.
Kumakain ako ng lumapit sa akin ang alipin KO na may hawak na telepono.
"Our princess, may phonecall ka po from your mom."
"What the fuck can't you see Nanny that I'm eating my snack? Napaka stupid MO from now on, you're fired." sigaw ko.
"Pero Ma---"
"No buts, yaya Betsy paki alis na ang stupid na alipin na ito. "
Nasa rules yon ng bahay KO na bawal akong istorbohin kapag kumakain ako. Napakadaling utos hindi pa magawa.
asarrrrrrr...
*later*
Ayan po. Nakita niyo na ang maldita.
Next Chapter na ......
Vote, Share, Comment
XOXO
-Cutie♥
BINABASA MO ANG
THAT PORKY BITCH (Maldita Ako, Pake Mo?) Ongoing
Fiksi Remaja"Naniniwala ako na lahat ng tao, nasasaktan so bakit kailangan mo akong saktan at paasahin ng ganito nalang? Porket mataba ako? Shit lang. May puso ako! Hindi ako bato!" Bakit ba kailangang manghusga ng tao ng dahil lang sa sukat ng katawan? Kaila...