Claudine's Pov
"Oy Bestie. San ka? Pupuntahan kita. Gaga ka! Hindi mo man lang sinabi kung san ka pupunta. Edi eto ako ngayon nakatunganga. Grabe ka talaga." si Ali na tumawag sa akin. Sorry siya, andito ako sa swimming pool. Maganda pala talaga ang school nato no? Grabeh.
"Oo na Ali. Grabe ka naman kung maka sermon! Basta puntahan mo nalang ako dito sa swimming pool." sagot ko sa kabilang linya.
"Okay. Coming right there!" sabi niya tsaka binaba ang phone.
Malamig naman pala ang tubig. Masarap damhin, sarap magswimming kaso mamaya pa yung P.E Class namin. Anong oras pa lang, nauna lang ako dito dahil wala akong matambayan. Malaki nga yung school, wala namang tambayan.
"Hi. You must be Claudine right?" nagulat ako sa lalaking katabi ko.
"Ah oo. Teka, mukhang pamilyar ka. Kilala ba kita?" tanong ko sa kanya.
"Yup. Ako ang tinanong mo kung san yung section mo at ako ang pinsan ni Jirayu." sabi niya with a smile. Grabe, kaya pala ang pamilyar niya. Bakit ba napakagwapo ng nilalang na itey? Ano ba ang ginawa niyang maganda ba't napaka oh so yummy ng pes nito?
"Ah." sabi ko tsaka nag smile din. Alangan namang iyakan ko siya, dabuuuh?
"Bestie. Grabe ka, hinalughog ko na yata ang school nato para lang makita kung saan ka, yun pala andito ka sa swimming pool kasama si-- Oh? Hi. You must be louie? Cousin of Jirayu, Am I right? Ofcourse I'm right. Obvious naman na ikaw si Louie at dahil ikaw si Louie, ikaw ang pinsan ni Jirayu." bungad ni Ali nang makarating ito sa kinauupuan namin ni Louie.
"Uhm.. Ganyan ba talaga ka bungangera yan?" bulong ni Louie kaya tumawa ako nang malakas. Halatang nagulat si Ali kaya tinampal niya ako sa noo.
"Oy Loka! Ano yan? May pabulong-bulungan effect pa kayong nalalaman. Bakit may something naba sa inyo? Naku Mag-iisang linggo palang tayo dito, ikaw ah. Maharot ka din pala sissy. Grabe ka, napaka yummy pa ng papabol na napingwit mo. Ikaw ha, share naman diyan. Hihi." sabi ni Ali tsaka kinikilig habang pumupungay ang mga mata. Hahaha XD tong' baklang to.
"Ay?! Pag nakipagbulungan, may something na agad? Di ba pwedeng may tinatanong lang?" sagot ko naman.
*KRIIINNNGGG*
"YES! P.E. NA!!! WOOHOO!" sigaw ko, excited kasi ako sa swimming class ko. Bwahaha, makakapagtampisaw ako, at baka hindi niyo alam anak ako ng dagat. In short gifted ako sa swimming.
"Hindi halatang excited ka ah." sabi ni Louie. Ane be yen? Kinikilig ako sa presensiya nia.
"INSAN!" sigaw ni Louie nang makita ang pinsang si Jirayu.
"Yow." sagot naman ni Jirayu tsaka nag appir ang dalawa.
Halatang-halata na super close and mag pinsan. Parang magkapatid nga eh, kung hindi lang sa mga guwapong mukha nila. Si Jirayu kasi chinito,matangos ang ilong, matangkad, medyo mahaba ang buhok tsaka maputi na para bang kada minuto naliligo. Si Louie naman, may pagka mestizo yun bang parang espanyol. Mas matangkad ito kay Jirayu pero mas maputi si Jirayu kesa sa kanya, si Louie naka clean cut. Basta magkaiba sila ng mukha. Nakakatamad kaya mag describe!
"Clauds. Si Jirayu, siya yung pinsan ko." pagpapakilala ni Louie sa pinsang si Jirayu.
"Insan. Kilala ko yan, eh amazona yan eh." sagot ni Jirayu tsaka tinuon ang pansin sa kanya.
"Ewan ko sayo. Bakit palaging tulog yang mga mata mo?" asar ko sa kanya.
"Bakit amoy gubat dito?" ganting asar niya.
GRRRRR.... Naiinis na ako sa hinayupak na taong to ah!
"AYYY! Nakakainis ka. Buicit ka! Feeling gwapo." sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
100 Days of Love [UNDER CONSTRUCTION!!!!]
Teen FictionKasalukuyan po itong inaaayos. Under Construction po ito ngayon!