Chapter 3 - Moment (Anyare?)

4 0 0
                                    

Claudine's Pov

Anak ng magandang pagong! Bakit ba kumalat na kami daw ni Jirayu? Ewness nu! Pupunta kami nina Louie at Jirayu sa Classroom ngayon. Nakuu! Mahahampas ko ng latigo ang nagpakalat ng tsismis na yan eh.

"SINONG PONTIO PILATO ANG NAGPAKALAT NG MALING BALITA?!" bungad ko sa mga nagkukumpulan sa classroom. Obvious naman na fresh pa yung tsismis.

"Anong Tsismis Claudine?" tanong ng classmate ko

"Kung ayaw niyong ipakain ko kayo sa alagang leon ko sa bahay, ituro niyo sa akin kung sino ang nagpakalat na kami na DAW ni Jirayu!" sabi ko kanila, galing kong kontrabida makapag audition nga sa PBB malay mo makapasok.

Tinuro naman nila ang dalawang babaeng nagpakalat ng tsismis. Mukhang kilala ko silang dalawa ah, sila yung "Living Newspaper" ng school. Lahat ng tsismis, kakalat pag sila nakarinig.

"Alam niyo bang mali ang pinakalat niyong balita?" sabi ni Jirayu sa kanila

"Oo nga. Tama siya, mali ang balita." pagsang-ayon ko

"Mali, dahil ikakasal na kami ni Claudine." singit ni Jirayu

"Pakyu ka! Gago! Humingi lang siya ng tawad sakin. Hindi niya ako niligawan okay guys?" sabi ko

"Sorry. We thought kasi na kayo na! " sabi ni Girl 1

"Yuuuuuhh. May chance pa pala kami kay Jirayu!" Girl 2

~Kinabukasan~

"~parang di ko yata kaya, pag sa buhay ko'y wala ka. Aanhin ang pag-ibig kung ang puso ay nag-iisa, sino aking tatawagin? sino aking yayakapin? sino ang magpupuno sa aking paglalambing? Bakit ka pa nakita? Bakit pa nakilala? Kung ang puso ko ay iiwan mo lang at sasaktan~"

Kumakanta ako, birthday kasi ng pinsan ni Jirayu. Nandito kami sa bahay niya, naisip naming mag  videoke. Favorite ko talagang kanta to, Idol ko kasi si Jessa Zaragosa. 

" Hoy bakla! Tama na yan. Halata na!" si Ali

" Uy infairness. Hindi paragraph ang sinabi mo! Tipid ka yata sa salita ngayon bakla, BH kaba?" tanong ko sa kanya sabay sundot sa tagiliran niya

"Gaga lang? BH agad? Di ba pwedeng dinadamdam ang beer?" sagot niya

Tawanan kaming lahat. Kasama ko nga pala sina Ali, Jirayu, Cassandra (Pinsan ni Jirayu), si Louie at ako.

"Guys. Spin the bottle tayo! Walang truth, Dare lahat." request ni Ali

"sure!" pagsang-ayon ko

Nag-simula na kaming mag-laro ng spin the bottle at sa kamalas-malasan sa akin tumapat ang bote. Anak ng baka! Buicit!

"Ano na dare niyo? Mga walang hiya!" sabi ko

"Relax. Okay, tutal overnight tayo dito. Matutulog tayo sa kwarto ko na tayong dalawa lang." sabi ni Jirayu

"Pak U ka! Ano akala mo sakin? Pokpok?" sagot ko

"Sige na Girl! Okay lang yan." pagsang-ayon ni Ali

"Oo nga! Safe ka kay Kuya Jirayu." sagot naman ni Cassandra

"Oo na! Oo na! Mga walang hiya!" sagot ko nalang, ala nang magawa eh

Malapit ng gumabi at nanginginig na ang buong systema ko, maryosep malapit nang gumabi!!!!

"Ready ka na ba babe?" si Jirayu with a sexy voice tone

"Gagu! Lang hiya ka." sagot ko

Cassanrda's Pov

Haha. Ang saya ng birthday ko ngayon, ang harot talaga ng pinsan ko. Nilalandi na naman niya si Claudine. I smell something firshy sa kanilang dalawa. Mukhang may mabubuong lovestory mamaya, baka nga  iba pa ang mabuo nila. HAHAHA XD

*RRIINNNGG*

"hello kuya?" sagot ko kaagad sa phone ko

"Cass na kay Jirayu kaba? Grabe kayo. Pupunta na ako diyan!" sabi ni Kuya Jebb

Dalawa kaming magkakapatid. Si kuya Jebb Santillan, ang nakakatandang kapatid ko. Hearthrob siya sa school namin sa states. Vacation namin dito for 1 month, birthday ko ngayon kaya naisipan namin magpipinsan na mag celebrate. Pinsan ko nga pala si Kuya Jirayu at Kuya Louie.

Jebb's Pov

*knock* *knock*

Kumakatok ako sa pintu-an pero mukhang walang sumagot.

*knock* *knock*

Sa pangalawa kong katok, bumukas ang pinto.

"Hi. Sino po sila?" tanong ng isang magandang babae

"Nagkamali ba ako ng address o ikaw ang bagong girlfriend ni Jirayu?" tanong ko

"Ay kuya hindi po. Kaibigan po ako nila, umattend lang po ako ng birthday. Eh kayo sino kayo?"

"Ako si Jebb. Pinsan ni Jirayu, kuya ni Cass." 

"Hi. Sorry po, pasok po. Andun sila sa pool."

"Huwag mo na akong tawaging po. Matanda ako ng 1 taon kay Jirayu, hindi naman masyadong matanda yun diba? Wala pa naman akong apo. Just call me Jebb." 

"Okay. Hi Jebb, puntahan mo nalang sila sa pool." 

Pumunta ako sa pool at nagulat sina Jirayu at Louie.

"INSAN!" sabay nilang sigaw tsaka tumakbo papunta sa akin

"Mga Gago! Na-miss ko kayo!" sabi ko

"Namis rin kita Idiot! Haha" sagot naman ni Jirayu

"Ungas ka. Grabe 3 taon ka ring hindi umuwi dito!" singit ni Louie

"ANO?" sabay-sabay kaming tumingin sa babaeng sumigaw, siya yung bumukas ng pinto kanina. Ano kaya ang nangyari.

"Teka Clauds Anyare?" tanong ni Cass sa kanya

"Pasensiya na guys. Kailangan ko nang umuwi, may nangyaring emergency kay Mama. Sorry guys! Babawi nalang ako sayo Cass." sagot ni Claudine

Dali-dali siyang lumabas, Claudine pala ang pangalan niya. Bagay sa kanya, maganda.

========== ===========End of Chapter 3=======================

Votes. Comment.

Good Night V(^__^)V

100 Days of Love [UNDER CONSTRUCTION!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon