Chapter 4 - Goodbye (FASTForward Edition)

4 0 0
                                    

Claudine's Pov

Pagkauwi ko, sinalubong ako ni mama. 

"Anak, may sasabihin ako sayo. Wag kang mabibigla ha?" tanong niya

"Kinakabahan ako diyan ah. Ano na?" sagot ko naman

"Pupunta tayong amerika sa susunod na buwan."

"ANO? MA! TALAGA? YEEPPEEYYY!" 

"Akala ko iiyak ka. Yun pala, kulang nalang despida."

"Hahaha. Ma, chance ko na yan no. Iiyakan ko pa ba?"

~KINABUKASAN~

"Hi guys!" bati ko sa barkada

"OOOHHH. Mukhang blooming ka teh? Anyare? Nag-alala kami sayo kagabi, haggard beauty rest ko kakaisip kung ano nangyare sayo." sabat ni Ali

"Magandang Bakla, ooohh compliment yun ha! Basta, maganda gising ko. Wala namang nangyari, safe naman sa bahay. Eksahirada lang talaga ako V(^___^)V" sagot ko

~At nagsimula na ang klase ko. Buong araw kaming nagkukwentuhan, hindi ko muna sasabihin sa kanila baka hindi pa matuloy. Uwian na ng sabihan ako ni Jirayu na magkita kami sa rooftop.

"Jirayu! Ba't dito sa rooftop?" hingal kong bungad sa kanya

"Din, may sasabihin ako sayo." sagot naman niya

Sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag niya ako sa palayaw kong "Din".

"Ano naman yun?" tanong ko, na-iintriga ako eh

"Ma..Ma...Ma.." nauutal na sabi ni Jirayu

"Pwede ba, huwag mo kong tawaging Mama, di kita anak" natatawa kong sabi

Anyare sa lalakeng to? Napasukan yata ng hangin, ang lakas ng hangin dito sa rooftop eh. XD

"Mahal na ata kita Claudine Madrigal!" sigaw niya

Ako tulaley. Nganga. Gulat. Kaba. Tuwa. Saya. Ewan ko ba, halo-halo ang emotiong nararamdaman ko sa puso ko. May nararamdaman ako kay Louie, pero mukhang nahuhulog na rin ako kay Jirayu dahil sa sinabi nito. Pero aalis ako eh, hindi puwedeng mangyari na mahulog ako. Hindi naman sa mahal ko si Louie, humahanga lang ako sa kanya. Kinikilig. 

"Claudine. Mahal na kita, ewan ko ba. Hindi ka mawala-wala sa isip ko, alam mo bang hindi na ako nakakatulog ng mabuti dahil sa iyo?"

"Aba! Kasalanan ko ba kung inibig mo ko?"

"Hindi naman. Mahal talaga kita eh, nung una akala ko nagagandahan lang ako sayo, hanggang sa maging kaibigan namin kayo. Unti-unting nahuhulog ang loob ko sa babaeng nasa harap ko ngayon. Kung alam mo lang Claudine kung gaano kita kamahal."

"Jirayu. I'm sorry, pero hindi tayo pwede eh. Aalis na ako sa susunod na buwan, pupunta kaming U.S. nakakuha ng magandang trabaho ang dalawa kong kuya doon kaya napagdesisyunan nilang doon na ipagamot si Papa at doon na rin ako mag-aaral."

Matagal bago siya nakasagot. Mukhang gulat na gulat siya,alam kong masakit din sa kanya ang mga sinabi ko. Nararamdaman ko rin naman ang kirot.

"Ganoon ba? Sige, pasasayahin kita sa nalalabing oras mo dito sa Pilipinas."

"Jirayu..."

"Okay lang Claudine. Gumagabi na umuwi na tayo, hatid kita. Nasa parking lot kotse ko."

Hindi nga nagkamali si Jirayu, pinasaya nga niya ako. Tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya, pero pilit kong pinipigilan. Naging maalagain siya, sweet at higit sa lahat, nakuha niya ang puso ko. Hanggang sa dumating na ang araw na aalis na ako. Masakit, dahil kung kailan unti-unti ko nang minamahal si Jirayu, yun naman ang araw na aalis at magkakahiwalay kami.

"Claudine, bibisitahin kita paminsan-minsan. "

"Jirayu, wag na. Hintayin mo nalang ako dito, babalik naman ako eh."

"Sige, sabi mo yan ha." sabi ni Jirayu tsaka hinalikan ako sa labi

Habang nasa labi ko ang labi niya, tumigil ang mundo ko. Para bang huminto lahat ng tao, parang walang tumitingin, parang kaming dalawa lang. Sana, ganito na lang kami.

"I love you. I love you Claudine Madrigal"

"I love you too Jirayu Hinata" 

Lumiwanag ang mukha ni Jirayu nang marinig niya ang mga salitang iyon. Pumasok na ako sa loob ng Airport, kumakaway ako habang papasok. Nandito sina Ali, Cass, Louie, Jebb at si Jirayu. Hinatid nila ako, oo ako. Nauna kasi yung pamilya ko, kahapon sila umalis, humingi ako ng isang araw para makasama ang mga kaibigan ko.

~ 6 Years Later ~

Location: Breads and Cupcakes Restaurant, San Francisco, USA.

Time: 8:47 a.m.

Wheather: Winter

"Claudine. You better fix yourself, your out of this world again." sabi ng boss kong amrikana

"I'm sorry Ma'am. I just miss someone" 

"Oh? Boyfriend?"

"Almost ma'am."

"I see."

''Haaay. 6 years na ang nakalipas, pero parang kahapon lang alis ko. Na-mimiss ko na si Jirayu ko, si Ali sumunod dito sa U.S, actually katrabaho ko siya. Roommate ko rin siya, nagdodorm kaming dalawa. Yung mga Kuya ko, may kanya-kanyang pamilya na. Ang tatay ko, ayun sumakabilang buhay na 3 taon nang lumipas. Ang nanay ko, kasama ng nakakatandang kapatid ko. Isa akong Pastry Chef sa Breads and Cupcakes Restaurant. 

May plano akong umuwi sa Pilipinas sa makalawa, kasama ko si Ali. Excited na nga ako, makikita ko na ang mahal ko.

"Hoy Bakla, nakabili kana ba ng pasalubong. Si Cass, nag-email sa akin. Gusto daw niya ng maraming chocolate." si Ali

"Oo. Samahan mo ko mamaya, bibili tayo ng mga pasalubong."

============= End of Chapter 4 ===============

Votes. Comments.

Goodnight, sleepwell.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

100 Days of Love [UNDER CONSTRUCTION!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon