Claudine's Pov
"Hi ma! Magandang umaga!" sabi ko kay mama nang makababa ako ng hagdan
"Good morning anak. Kumusta ang tulog? Mukhang masaya ka ah. Excited ka sa College life mo no?" sagot ni mama sabay sundot sa tagiliran ko
"Syempre ma. Akalain mo, nakapasok ako sa West Hills University. Isang prestihyosong eskwelehan dito sa Maynila. " sagot na may halong pagmamalaki
"Okay, sige na maligo ka na at baka ma-late ka. Sayang ang excitement mo!" sabi ni mama bago pumunta sa kusina
Jirayu's Pov
"Yaya. Where's Mom?" tanong ko sa katulong na naglilinis
"Ay sir. Hindi ko po alam, tanungin nyo po si Manang Rosa baka alam niya." sagot niya
Hinanap ko si Nanay Rosa, isa siya sa pinagkakatiwalaang katulong dito sa bahay. Siya na ang naging nanay ko simula noong naging CEO si Mommy sa company ni Lolo. Ang dad ko naman bihira lang umuwi mula Japan.
"Nanay Rosa. Si Mommy po?" tanong ko kay Manang Rosa
"Ay Hijo. Maagang umalis ang nanay mo. May emergency meeting daw sa kompanya ng Lolo mo." sagot ni Nanay Rosa na may halong pag-alala
"Hijo, mabuti pa maligo kana at si Roy nalang ang maghahatid sayo sa school mo." dagdag niya
Claudine's Pov
"Wow Ma. Ang sarap ng luto mo! Approve!" sabi ko habang dinadamdam ang kasarapan ng luto ni mama, minsan lang kasi siya magluto ng masasarap na potahe dahil busy siya sa kakabantay ng papa ko na nacommatause sa ospital.
"Oo nga ma. Magpatayo ka kaya ng karinderya." suggestion ng Kuya Yujie ko
"Mukhang tama si Yujie ma. Baka makatulong yun sa mga gastusin." agree ni Kuya Aidan
"May plano nga ako mga anak. Oy, Din bilisan mo na at sasabay ka sa mga kuya mo." sabi ni Mama
"Opo! Opo!" sagot ko naman.
Louie's Pov
"Dad. Gotta go na po! Bye!" sabi ko kay Dad sabay tapik sa likod niya
"Bye son, take care." sagot naman niya
First Day ko ngayon sa West Hills University. Freshmen College ako, kinakabahan ako ngayon. Sana makahanap man lang ako ng magandang chick para dagdag enjoyment sa College Life ko.
Maxine's Pov
"Yaya, let's go. We need to hurry up, baka ma late ako." sabi ko sa yaya ko ang bagal kasi eh
Excited ako sa first day ko sa West Hills University. It's nice having a new life in a new school. Dapat ako ang bida doon. I heard Jirayu will take his college there, dapat makilala niya ako. He should know that I exist.
"Manong hurry up." sabi ko sa driver
Claudine's Pov
"Wow! Ang ganda naman. OA ang may ari nito ha, bonggang-bongga ang hitsura ng school." sabi ko sa Kuya Yujie at Kuya Andie ko.
"Oo nga, sige na bunso. Ingat!" sabi nilang dalawa
"Bye Kuyas. Ingat din." sagot ko naman
Ang ganda talaga! Yung basketball court nila parang bahay na namin, mukhang mas malaki pa nga sa bahay namin. Pangmayaman talaga dito.
Ako nga pala si Claudine Madrigal, bunsong kapatid nina Yujie Madrigal at Aidan Madrigal. Anak nina Osang at Ignacio Madrigal. Isang retired teacher ang nanay ko, ang tatay ko naman dating constraction worker sa dubai pero naaksidente siya sa trabaho niya. Si Kuya Aidan ang pinakamatanda sa amin, isa siyang Hotel Manager. Si kuya Yujie naman, nagtatrabaho siya sa isang kompanya. Ako naman, ang susunod na presidente ng Pilipinas Charoot!
*BOGSH*
"Ay sorrryyyy poooo." sabi ko lalakeng nabangga ko
"Pwede ba tumingin ka sa dinadaanan mo!" sigaw niya sa akin
Sayang gwapo pa naman siya, halatang may dugong banyaga.
"Nagsorry na nga ako diba? Hindi pa ba sapat yon?"
"Ewan ko sayo!"
"sayang bet na bet pa naman kita...."
"What did you say?"
"Ah? Wala. Sige na, chupi na!"
"Tss. Weirdo!"
Sayang talaga. Sayang ang lahi niya! Nakakainis, bakit ba ang soplado niya. Diba dapat mabait at gentle man siya. Hayyy Buhay is Life. Kanina pa ako naghahanap ng section ko dito ah, ba't ba ang laki ng school nato.
"Excuse me, sa'n ba dito ang Section B?" tanong ko sa lalakeng nakatayo sa harap ng isang classroom, infairness gwapo din to ha. Ang daming gwapo sa school na to.
"Ah, It's here." sabi niya sabay turo sa classroom na kinatatayuan niya... mabuti pa to gentle man..
"Ah thankyou." sabi ko with my sweetest smile..
ANAK NG?! Bakit classmate ko ang sopladong pinsan ni satanas? Mukhang minamalas ako ngayon. Naku, nakatingin siya sa akin!!
"Hi Bakla! I'm Albert Vertuso. You can call me Ali, not alibaba o alipunga but Ali. New student ka rin, ang ganda ng school no? Gusto mo seatmate tayo? Okay! Fine, dito ka sa tabi ko umupo." sabi ni Ali ba yun? Oo, Ali. sabi ni Ali sa akin. Ang daldal naman neto pero i find him funny.
"Ah, okay. Ako nga pala si Claudine Madrigal." pakilala ko sa sarili ko
"Alam mo, bagay tayo maging bestfriend. Alam ko na, mag bff nalang tayo. Mas maganda nga! Grabeeee, Caludine. Tawagin mo nalang akong bestie. Right bestie?" tanong ni Ali sa akin
"Ah sige Ali.. este Bestie." grabe ang daldal talaga ng baklang to
"Oy Bestie, alam mo nandito sa section ang dalawa sa mga pinakagwapong lalake sa school natin ngayon." pagchichika niya sa akin
"Oh? Talaga? Sino naman sila?" tanong ko, eh sa hindi ako chismosa eh. XD
"Sina Jirayu Hinata at Louie De Leon. Alam mo ba, magpinsan ang dalawang yan. Ang gaganda ng lahi nila no? Ano kaya ang nakain ng mga ninunu nila bakit sila ganyan ka gwapo?" si Ali
"Yung chinito, soplado yun. Dun nalang ako sa gwapong mestiso, gentle man yun." ako
"Ay sister. Mas cool kung bad boy. Dun ako sa chinito, ~Oh Chinitoooooo~" aba at kumanta pa ang gag@, nakakatawa talaga tong baklitang to
Jirayu's Pov
Ngayon ko lang napansin, maganda pala ang babaeng nakabangga sa akin kanina. Pansin ko lang, parang may chinichismis ang bakla sa kanya. Sa palagay ko gusto nila ko, psh!
"Insan! Wazzup?" si Louie
"Insan. Eto, okay naman. Ikaw ba?" tanong ko sa kanya
"Eto okay, at mukhang may admirer na ako ngayon." pagmamalaki nya
"Talaga? Sino?" tanong ko
"Nakikita mo yung babaeng kausap ng bakla, dinig ko may gusto sa akin yan. Yung bakla naman may gusto sayo. HAHAHA!"
"Gago ka Louie. Paano mo narinig? Pinakinggan mo ba yung usapan nila?"
"Oo Insan. Grabe, maganda yung babae."
"Naku Insan, matapang yan. Kung liligawan mo yan, huwag mong lokohin baka masira yang gwapo mong mukha."
"Jirayu? Type mo ba ang babae?"
"Hindi no! Gago ka ba?"
"Okay. Huwag Deffensive okay?"
"Ewan ko sayo!"
"HAHAHAHA!"
=============End of Chapter 1============
Votes. Comments.
Thanks for reading.
BINABASA MO ANG
100 Days of Love [UNDER CONSTRUCTION!!!!]
Teen FictionKasalukuyan po itong inaaayos. Under Construction po ito ngayon!